Hindi na kailangan ng dikta ng batas para kumilos ng wasto, alam mo ang pananagutan mo kung totoo ka sa serbisyo.
Ganito ang nakitang kakulangan sa JRS Express Robinsons Forum Branch ni Leah “Leah†Rose Calumpong—25 anyos ng Makati City.
Palagay na umano si Leah sa pagpapadala sa JRS Forum Branch dahil pangatlong beses na niya ito. Hindi niya akalaing magkakaroon ng problema ito na makakaapekto sa maliit niyang negosyo.
Pebrero 2013 nung mag-“wholesale order†ng mga ‘women’s undergarments’ at mga damit pambata ang kanyang tiyahing si Maribel Salgados na nasa Zamboaga City. Nagkakahalaga ito ng 13,000Php.
Marso 2, 2013 ng umaga pumunta na sa JRS Express sa Robinsons Forum, Baranka Ilaya, Mandaluyong City Branch si Leah para ipadala ang kanyang mga kalakal.
Pagkatapos ng transaksyon itinawag kaagad ni Leah kay Maribel ang numero ng resibo na gagamitin sa pagberipika sa JRS Zamboaga Branch.
Tumawag si Maribel sa JRS doon at nalaman niyang wala pa ang kargamento. Nagbigay ng palugit na dalawang araw itong si Maribel.
Nung sumunod na araw natuklasan niyang ang mga kasabay na mga kargamento nila ay nakarating na ngunit wala ang sa kanila, kaya’t dito na nangamba si Maribel. Sinabi ng JRS Zamboanga na mula sa 38 na kargamento na kanilang inaasahan, 37 lamang ang nakarating.
Ipinaalam niya kay Leah ang nangyari at nung Marso 16 ay sumangguni siya sa JRS Forum tungkol dito.
Hiling ni Leah mula sa kanila na malaman kung saan napunta ang kalakal niya at ibalik ito. Kung hindi man, isauli ang katumbas na halaga nitong 13,000php (“refundâ€).
Nagpadala ang JRS ng kanilang sulat sa kanilang ‘carrier’ na Cebu Pacific Airline para malaman kung saan napunta ang kargamento ni Leah.
Marso 18, sinagot ni David Geronimo, ang Operations and General Manager ng JRS ang tungkol dito. Ipinaalam niya kay Leah na ayon sa Cebu Pacific, ang kanyang mga kargamento ay hindi kasama sa mga dumating sa Zamboanga(“shortlandedâ€).
Sinabi rin sa sagot na kasalukuyan pang ginagawan ng paraan na matagpuan daw ito. Tungkol sa ‘refund’, sinabi ng JRS na hindi nila pananagutan na bayaran ang katumbas na halaga ng karga dahil hindi dineklara ni Leah kung magkano ito sa kanilang transaksyon. Walang isinaad si Leah sa “valuation charge†kung saan madaragdagan ng dalawang porsyento (2%) ang dapat na bayaran sa kanyang pagpapadala. Minungkahi rin nilang basahin ni Leah ang mga “Terms and Conditions†sa likod ng kanyang resibo para mas maintindihan ang paliwanag nila.
Dito na namrublema si Leah kaya’t lumapit siya sa aming tanggapan.
Nais sana ni Leah na maayos ang naging gusot na ito sapagkat pinaglalaanan niya ang kanyang panganganak sa darating na Agosto. Malaking sugal ayon sa kanya ang pag-uumpisang ito ng isang negosyo sa internet (‘online business’) simula nung tumigil na siya sa trabaho.
Gamit ang isang ‘Facebook account’, dun nilalagay ni Leah ang mga litrato ng paninda niyang damit pambabae at pambata.
Magpapadala lamang ng mensahe sa kanya sa ‘facebook’ ang mga gustong bumili at makikipag-ayos ng petsa at paraan ng pagpapadala ng mga order sa kanya. Maayos naman sana ang mga unang buwan ng kanyang negosyo hanggang nitong huli ay may nangyari aberya sa isa sa kanyang mga transaksyon.
“Kampante po ako sa serbisyo ng JRS dahil tatlong beses na po ako nagpadala sa kanila, hindi ko po alam kung ano pong ‘valuation charge’ ang sinasabi nila,â€ani Leah.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kuwentong ito ni Leah.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, una sa lahat, ang JRS ang nakipag-usap sa Cebu Pacific (bilang “carrierâ€) para sa pagpapadala ng kargamento ni Leah kaya’t wala siyang personalidad para makipag-usap sa Cebu Pacific ukol sa pagkawala nito. Ang kontrata ay sa pagitan ni Leah at ng JRS, kaya’t sila ang dapat managot sa kanya.
Tungkol sa “valuation chargeâ€, kayong mga agent ng JRS, hindi ba dapat ipaliwanag ninyo na kailangang ilagay ang tamang halaga ng mga kargamentong ipadadala? Ang problema naman sa mga kliyente, kapag dineklara nila ang halaga, magbabayad sila ng karagdagang 2%, kaya’t para makadiskwento ay hindi na palalabasin ito sa “valuation chargeâ€. Ang kaso, puwede ninyo namang tanggihan ang padala kapag ayaw ng kliyente na sumunod, pero bakit kayo pumayag? Sabi ng Operations Manager ng JRS, gingawa raw nila ito dahil kasama yun sa Standard Operating Procedures, ang tanong ko, makikita naman sa CCTV kung sinuri ng kanilang mga tauhan ang papel na nilistahan ni Leah. Tinanong namin kung maaari ba niyang tignan sa CCTV ng JRS Forum Branch dahil nandun naman ang petsa at oras kung kailan nagpadala si Leah, ang sagot nito, hindi raw niya alam kung gumagana ang CCTV doon. Sa isang malaking outlet ng JRS, hindi mo alam kung gumagana ang CCTV ninyo Mr. Operations Manager?! Aba, eh hindi mo ginagawa ang trabaho mo! Ilang outlet ba ang naka-assign sa ‘yo?! O sadya bang ikaw ay “inefficient†at hindi ka nababagay sa posisyon mo diyan? Maganda rin pag-isipan ng pamunuan ng JRS kung dapat na manatili ang operations manager na ito! Pangatlong beses nang nagpapadala itong si Leah, at ni minsan hindi siya inobligang isulat ang halaga ng kanyang kargamento!? Tama ba naman yan Mr. Operations Manager? Yun nakasulat sa likuran na wala kayong pananagutan kapag may nangyari sa ano mang kargamentong pinadadala niyo ay isang kalokohan! Ipinagkatiwala sa inyo ito at dapat lamang, “you exercise due diligence†na ito’y makarating sa paroroonan! Maaaring matagal na kayo sa negosyong ganito pero ang mga pagkakamaling katulad nito ang siyang hihila sa inyo pababa at sa bandang huli mawawalan ng tiwala ang inyong mga kliyente. Hindi kaya, kaya kayo pumapayag na tanggapin ang mga padalang hindi deklarado ang “valuation charge†ay para makaiwas sa mas malaking bayarin sa insurance sa inyong “carrierâ€?
(KINALAP NI PAULINE VENTURA) Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com