SIMULA pa lang ng araw, abala na ang mga botante at lahat ng mga gaganap sa eleksyon. Siksikan na rin sa mga presinto at hindi na matapus-tapos ang mga pilahan sa iba’t ibang lugar ng botohan.
Pero, sa abalang ito, mas aligaga at mas lalong hindi na magkandaugaga ang mga desperadong pulitikong nais mailuklok sa puwesto sa gobyerno.
Dala nang matinding desperasyon, marami sa mga pulitiko ang nasusumpungan pa ring bumibili ng boto, kesehodang oras na lang ang pagitan bago ang mismong botohan!
Kung hindi garapalan o sa mismong pilahan sa mga presinto, ang iba nagtitiyaga at nagbabakasakali pa rin sa pagbabahay-bahay para lang mamudmod ng mga sample ballot na may palamang pera!
Bisperas ng 2013 midterm elections, ibinulgar ng National Citizen’s Movement for Free Elections ang malawakang ka-lakaran ng boto sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zamboanga Sibu- gay at Tawi-Tawi!
Ayon sa Namfrel, P3,500 ang pinakamataas na presyu- han sa tinukoy na mga lugar katumbas ng isang boto at P100 naman ang pinakamababa.
Ang siste, lalapitan umano ng mga galamay ng kandidato ang mga botante at aalukin ng pera para sa boto!
Ang iba, para hindi naman maakusahan ng vote buying, sa halip na pera, namimigay umano ng groceries o mga panguna-hing pangangailangan ng kanilang constituents.
Hubo’t hubad na katotohanan sa mga mahihirap na pro- binsya partikular sa Mindanao, hindi na uso ang pagtanggi sa mga perang ipinakakalat tuwing eleksyon. Dala na rin ng kahirapan at kakapusan, marami ang naiuulat na tumatanggap nalang.
Pero, mauutak na ang mga botante ngayon! Kung inaakala ng mga buwaya’t ulupong na mga kandidato na kakagatin ng mga tao ang kanilang kamandag ninyo at mga hokus-pokus, mali!
Marami kasing mga nagti-text sa BITAG hotline na kapag may vote buying daw sa kanilang lugar, tinatanggap lang nila ang pera pero wala naman daw silang intensyong iboto ang nagpapabangong kandidato!
Retorikal na tanong nga ng marami, “Bakit? Nakakasiguro bang sila ang iboboto namin?!â€
Maging matalino! Sa ganitong mga sitwasyon ngayong eleksyon, tanong ni BITAG, “Ano ang aksyon mo!â€
Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5. Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4.