Si Rj, para sa katahimikan at ikauunlad ng Caloocan City

IBINIDA ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na malaki ang paniwala niya na ang pagkakabit ng CCTV sa bawat kanto este mali barangay pala ang mabisang paraan para mas madaling masolusyonan ang paglaganap ng krimen sa isang siudad.

Kuento ni Echiverri, kandidato ng partido ni P. Noy sa pagka-alkalde sa Lungsod ng Caloocan, mas madaling malulutas ng mga lespu ang mga nangyayaring krimen kapag lahat ng barangay ay magkakaroon ng CCTV.

Sabi ni RJ, kung tutulungan siya ng mga botante sa Caloocan City at manalo bilang alkalde sa May 13 election ay maisasakatupan ang pangarap ng madlang people sa  lugar dahil uunahin niyang palagyan ng CCTV sa ang bawat barangay para mas maging mabilis ang pag-aresto sa mga kriminal na gumagala sa kanilang lugar..

Sa pamamagitan din ng mga ilalagay na CCTV ay madaling matitiktikan ang bawat salok este mali sulok pala ng Caloocan City maging ang mga lumalabag sa mga ordinansa na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ay madaling malaman at agad mapagsasabihan upang hindi na muli pang umulit.

Sabi ni RJ, ‘police visibility’ ang dapat palalakasin at ugnayan ng mga barangay para maging aktibo sila sa pagro-ronda sa gabi para mabawasan at hindi na makagawa ng ‘crime’ ang  mga kamote.

Ayon kay RJ, Ipatpapatuloy niya ang pagbibigay ng suporta sa lokal na pulisya katulad ng ginawa ng erpat niyang si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na nagbigay ng mga sasakyan, motorsiklo, baril, bala, communication equipments, dagdag na allowance at iba pang maaaring itulong sa kapulisan para sa pagpapanatili ng katahimikan.

Sabi nga, dapat ganito!

Hihilingin din ni RJ sa mga negosyanteng namumuhunan sa buong lungsod na maglagay ng CCTV sa loob at paligid ng kanilang establisiyamento na maaaring makatulong upang madaling makilala at makita ang mga pinaghahanap ng batas.

Gusto ni RJ, na maglagyan ng Wi-Fi ang lahat ng barangay sa Caloocan City upang hindi na kailangan pang magbayad sa internet shop ang mga residente sakaling gustong gumamit ng mga ito ng internet sa kanilang lugar.

Abangan.

Desperation in Taguig

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi sana nagpilit ang grupo ni Rica Tinga na pasukin ang cityhall sa Taguig City ay hindi sana nagkaroon ng kaguluhan doon at wala sanang nasaktan sa magkabilang panig.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinadya diumano ng kampo ni Rica na manggulo sa city hall ng Taguig noong Sabado kaya naman may mga nasaktan dito.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano sa pagpupumilit ni Rica at mga kasamahan niya na pasukin ang loob ng city hall last Saturday samantala wala naman pasok sa nasabing lugar at siempre dahil alaws sokpa alaws din mga empleado dito.

May motibo sila samantala ang dami-dami naman lugar na puedeng puntahan at doon pa sa cityhall na wala naman silang mapapala dahil nga alaws pasok.

Sabi ni Lani iresponsable ang kanilang katunggali dahil gumagawa ng paraan para sila pabagsakin.

Kuento ni  Cayetano, hindi magulo sa Taguig kaya walang dahilan para ito isailalim sa kontrol ng Commission on Elections na tulad ng gustong mangyari ni Tinga.

Ikinalungkot din ng alkalde ang sinapit ng mga nasaktan. Iginiit nitong hindi niya ito nais na mangyari subalit ang may responsibilidad sa mga nasaktan ay walang iba kundi ang batang Tinga na nakita sa video na humahangos sa gilid ng city hall at pinaniniwalaang dahilan kung bakit nagkaroon ng hamunan at sakitan sa magkabilang panig.

Ibinabato ngayon ang sisi kay incumbent Mayor Lani Cayetano dahil ito raw ang nagpasimuno ng kaguluhan kasi nga ay mga tauhan niya ang nasa cityhall.

Itinanggi naman ni Mayora ang akusasyon dahil alam niyang desperado na ang mga alipores  ni Rica  kaya gumagawa lamang diumano ito ng mga dahilan para mapag-usapan sa media at mailagay sila sa bad light,.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ganitong kaguluhan nangyayari sa isang lugar ay lumang istilo na dahil gumagawa daw sila ng ganitong klaseng gimik para kalabitin ang COMELEC at ilagay ang isang lugar bilang hotspot area.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ni Cayetano, si Comelec Chairman Sixto Brillantes, ay naging election lawyer ng Tinga family mula noon kay Dante Tinga. Ito pa raw ang nag-file ng  electoral case laban kay Mayora  noon 2010. Ibinuko rin ni Lani na bukod kay Brillantes si Comelec Commissioner Lucenito Tagle ay pakner este mali partner pala ni Dante Tinga sa lawfirm.

Abangan.

Show comments