SOBRA-SOBRA ang accomplishments ng Diwa party-list kaya nararapat ibalik sa Kongreso. Marami pang programa si Rep. Emmeline Y. Aglipay kaya kailangan nating suportahan siya. Kung sabagay, dinumog ng mga lider ng kaanib na non-government and civic organizations ang political assembly ng Diwa partylist sa ginanap na miting de avance nito sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City kamakailan. Nagpalakpakan ang mga dumalo sa okasyon nang itaas ni ret. Gen. Edgar Aglipay, chairman ng Diwa Foundation, ang kanang kamay ni Rep. Aglipay bilang hudyat sa muling pagsulong ng mga adhikain at hangarin ng Diwa partylist para matulungang ibangon sa kahirapan ang ating naghihikahos na kababayan. Saan pa ba tayo mga suki kundi sa mga partylist na ipinaglalaban ang karapatan at kinabukasan ng sambayanan tulad ng Diwa, na No. 90 sa balota? Bilugang mabuti mga suki, para hindi masayang ang boto n’yo.
Ang priority ni Rep. Aglipay ay ang pagsulong ng mga pangunahing hakbangin para bigyan ng malawak na protection at increased economic benefits ang mga workers o labor force ng bansa. Hindi pambobola - kamatis ang tinuÂran ni Aglipay mga suki dahil kaya niya itong gawin at ang mga accomplishments nga niya ang magpapatunay nito. Tulad na lang ng R.A. 10361 o kilala sa tawag na Batas Kasambahay kung saan siya ang principal author. Ang layunin ng batas ay para proteksiyunan ang domestic hel-pers sa “inhuman treatment, exploitation at abuse.â€
Si Rep. Aglipay ay kasama rin sa pagsulong ng batas na Magna Carta for Seafarers (HB 4714) kung saan mahi-git sa isang milyong Pinoy seamen na sa domestic o international ocean going vessels ang makikinabang. Kasama rin siya sa Magna Carta for Informal Sector Workers (HB 4306), sa proposed traffic violation single ticketing system, at sa act strenghening the security of tenure of Emplo-yees (HB 3402) At ang makikinabang sa mga batas na ito ay 76.34 percent o 24.6 milyon sa mga workers sa buong bansa.
Maliban sa mga iminungkahing batas, ang Diwa party-list ay nangu-nguna rin sa pakikipaglaban sa mga karapatan ng labor force at sa promotion ng worker’s welfare. Aabot din sa 41 sustainable livelihood projects ang itinayo nito sa buong bansa kung saan nabiyayaan ang libong workers. Marami ring less privileged na Pinoy ang nakinabang sa skills at small business enterprise training at isama ko na rin ang scholarÂship programs para sa mga mahihirap na estudyante.