ANG kabuuan ng pangaral ni Hesukristo ay walang iba kundi sa Kanyang walang hanggang tagubilin: “Mag-ibigan kayo! Kung paanong iniibig Ko kayo, gayon din naman mag-ibigan kayoâ€. Ang pananampalatayang Kristiyano ay nagiging ganap sa katuparan ng utos ni Hesukristo.
Sa mga Gawa ng apostol ay doon pinatatag nina Pablo at Bernabe ang kalooban ng Diyos at pinagpayuhan ta-yong manatiling tapat sa pananampalataya. “Magdaranas muna tayo nang maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyosâ€. Ang mga pagsubok at kapighatian sa pagsunod kay Hesukristo ay hangganan ng ating wagas na tagumpay sa pagsunod sa Kanya. Ang ganda ng buhay ay nasa tanging kapayapaan lamang. “Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang lagiâ€.
Magiging tunay na matatag ang ating pananampalataya kung susundin natin ang isang bagong utos na ibinigay sa atin at ito lamang ay ang pag-iibigan. Palagi kong sinasabi sa aking pangangaral na ang tunay na pagsunod kay Hesukristo ay ang pag-ibig, hindi pagmamahal o pagkagusto. Ang kabanalan ng pag-ibig ay pawang pagbibigay hindi pagtanggap o pagkuha sa iba. Sa ating pagsasakatuparan ng tunay na pag-ibig ay madarama natin ang ating pinaghandaan ayon sa pahayag ni Juan: “Ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na mga tao! Mananahan Siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan Niya.†Ang bayan ng Diyos ay pawang pag-ibig.
Ipinahayag ni Hesukristo ang karangalan ng Anak ng Tao sa Huling Hapunan matapos makaalis ang taksil Niyang alagad na si Judas Iscariote. Sinabi ni Hesukristo na mahahayag na ang karangalan ng Anak ng tao at ang karangalan ng Diyos: “kaunting panahon na lamang ninyo Akong makakasama. Isang bagong utos ang ibibigay ko sa inyo: Mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad Koâ€.
Ang pag-ibig ang tanging lunas sa mga alitan sa bawat tahanan. Ang pag-ibig din ang nagpapatibay sa mga nawawalan ng pag-asa sa kanilang ikinabubuhay. Ang wagas na pag-ibig din ang magbibigay liwanag sa ating lahat sa darating na halalan. Napakadaling sabihin ng salitang pag-ibig subalit napakahirap isabuhay.
Gawa 14:21-27; Salmo 145; Pahayag 2:1-5 at Juan 13:31-33, 34-35