TUMITINDI ang alingasaw ng nabubulok na kung anu-anong kinumpiskang kontrabandong naka-imbak sa Manila South Harbor. Yuks, amoy ebs! Imbes na Port Area, dapat nang tawagin itong “Pororot Area.†BoC… aksyon naman po.
Kung baho rin lang ang pag-uusapan, wala nang sasahol pa sa bantot ng dirty tricks ng ilang unscrupulous politicians laban sa kanilang mga katunggali. Ewan nga ba kumbakit tuwing eleksyon ay saka inilalabas ang “baho†ng ilang kandidato. Minsa’y may bahid ng katotohanan pero madalas ay pure fabrications o imbento. At dahil inilalantad sa panahon ng kampanya, sira ang kredibili-dad ng motibo at tila naglalayon lang na manira.
Kamakalawa, lumantad ang isang babae sa media. “Biktima†raw siya ng “rape†ni Along Malapitan, congressional bet ng unang distrito ng Caloocan na anak ni Rep. Oca Malapitan na mayoralty bet ng lungsod. Nangyari raw ang insidente noong 2008 nang si Along ay isa pang Barangay chairman. Sa pagkaalam ko’y nadismis na ang kaso noon pa pero binubuhay muli ngayon. Without prejudice to the lady accuser, dapat sana, kung kataru-ngan ang hanap, hindi na sana naghintay pa ng limang taon na tiyempung-tiyempo pa sa darating na eleksyon.
I am not one to pass any judgment on the young Malapitan. Pero kagaya ng iba, may sentido naman tayo para magdudang ito’y isang tusong demolisyon dahil inilulutang ilang araw na lang bago mag-eleksyon.
May mga TV crew daw na dumalo sa press con ng “biktima†pero hindi naman ito pinatulan ng mga network dahil marahil nakita rin nila ang kadudadudang motibo. Sa isang bahagi ng kanyang press statement, sinabi ni Along:
“Naniniwala kaming isa itong agresibong pagkilos ng mga karibal namin sa pulitika matapos nilang makita sa kanilang mga sariling survey na wala nang tiwala sa kanila ang mga mamamayan ng Caloocan City.â€
Tingin ko naman, hindi lang si Along ang ginigiba sa taktikang ito kundi pati si Oca na sa nakaraang rating ay na-nguna sa hanay ng mga mayoralty bets sa Caloocan. Wika nga “Hataw sa kalabaw, sa kabayo ang latay.†Wish ko lang, maging politically mature na ang taumbayan at mga politiko at ang pagÂlabanan ay mga isyu at merito sa halip na manira sa bawat isa.