TANONG: Good day po Doc Willie. Gusto ko sanang malaman kung ano ang sakit ko. Noong isang taon, may girlfriend ako (unang gf ko) at palagi kaming nagtatalik. Pagkalipas ng pitong buwan, lumayo siya at pumunta ng Maynila pero bumalik siya pagkatapos ng apat na buwan. Nagtalik ulit kami.
Ang problema ko ay magsimula nang nagkahiwalay kami, nagkaroon na ako ng pangalawang girlfriend. Nagtalik din kami at after three weeks ay may nararamdaman daw na makati sa kanyang ari ang second girlfriend ko. After 1 week, mayroon daw parang nana kaya nagpakonsulta kami. At nagamot na iyon ng doktor. Pagkatapos ng ilang buwan ay nagtalik ulit kami ng second gf ko. At ganoon na naman ang nangyari. Nagkaimpeksyon siya ulit.
Ako ba ang dahilan ng sakit niya? Sa akin po ba ga-ling iyong sakit? Pero wala naman akong nararamdaman. Sexually transmitted disease (STD) ba ito? Ano po ang gamot dito? Sana ay masagot n’yo po mga tanong ko dahil malapit na kaming magpakasal.
Maraming salamat sa pagbabasa. — Mr. J.
Sagot: Tungkol sa sakit ng second girlfriend mo, baka hindi naman ito sexually transmitted disease (STD). Posible na vaginal infection ito mula sa fungus at bacteria. Ang tawag dito ay Candidiasis. Puwede rin na nagka-impeksyon siya sa ihi o Urinary Tract Infection (UTI).
Ang posibleng dahilan nitong mga sakit ay ang hindi paghuhugas maigi ng puwerta pagkatapos magtalik. Dahil dito, puwedeng magkaimpeksyon sa puwerta.
Magpa-check up siya sa isang OB-gynecologist para magamot. Bago kayo magpakasal, magpa-check na rin kayong dalawa sa doktor. Ang lalaki sa isang urologist at ang babae sa isang OB- gynecologist. KaÂÂ ilaÂÂngan masuri na walang naapektuhang organs sa pagbubuntis.
Bilang huling payo sa ating mambabasa, siguraÂduhing healthy ang mag-partÂner at hindi ka nagdadala ng sakit. Mayroon ding mga STD na walang nararamdaman. At siyempre, kung marami ang iyong sex partners, ay puwede rin magka-AIDS. Marami nang Pilipino ngayon ang may HIV-AIDS. Naku, delikado iyan.
Payo kay Mr. J: Kung puwede, isa-isa lang ang girlfriend at huwag mong pagsasabayin. Siguraduhing malinis at walang sakit ang iyong partner. At sana itong girlfriend mo na magiging asawa mo na ay pangmatagalan mo nang partner. Dahil kung magdadagdag ka pa ng girlfriends sa ibang araw ay baka dumami pa ang sakit at problema mo.
Good luck.