^

PSN Opinyon

‘New blood’ ang kailangan!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MALUNGKOT mang isipin, maraming mamamayan  ang dismayado sa mga idinaraos na eleksyon sa bansa. Hindi halalan ang tawag kundi “hangalan.” Ginagawa tayong mga hangal. Palibhasa sa tuwing panahon ng eleksyon, pare-pareho ang pangakong inilalako ng mga kandidato. Yes. Pati mga mukha raw ng kandidato ay hindi nagbabago.

In fairness, dumarami na, lalo sa hanay ng kabataan ang namumulat sa katotohanang hindi ang sistema ang dapat palitan kundi ang mga taong nagpapatupad nito. Kung hangad natin ay positibong pagbabago, kailangan bigyan natin ng puwang ang ilang mga “young blood.” Yung mga bagong mukha na may makabago at kaibang pananaw at matibay na paninindigan.

Speaking of “young blood”, si Paulo Benigno “Bam”Aquino ay tumatakbong senador sa bandila ng Team P-Noy. Bata man ay hindi na bagito sa serbisyo publiko dahil sa kanyang karanasan bilang chairman ng National Youth Commission. Ako’y handang sumugal sa isang batang may mga brilliant ideas gaya ni Bam.

Tingin ko, inspirado si Bam nang dakilang sakripisyo ng kanyang tiyo na si  Ninoy Aquino na nagwikang, “The Filipino is worth dying for.” Namulat din siya sa paglilingkod ng kanyang Tita Cory na kinikilalang “icon of Philippine democracy”. Naniniwala ako na hindi lalagyan ng batik ni Bam ang magandang legacy na iniwan ng kanyang mga yumaong tiyo at tiya. Isa pa, isang adbokasya ng kanyang pinsang si Presidente Noynoy Aquino ang  pagsusulong ng “Daang Matuwid” na siguradong itataguyod din ni Bam.

Hindi rin ubrang ismolin ang pinag-aralan ni Bam na nagta-    pos sa Ateneo bilang suma cum laude sa kursong Bachelor of Science in Management Engineering. Mula pa noong 2006, marami na siyang natulungang maybahay. Itinatag niya ang programang “Hapinoy” na ang ibig sabihin ay masayang Pilipino. Ito’y isang programang tumutulong sa libo-libong nagpapatakbo ng mga sari-sari store na karamihan ay mga misis ng tahanan. Tinuturuan sila ng  makabagong paraan para mapalawak at mapalago ang kita ng kanilang kinikita sa kanilang maliliit na negosyo.

Marami ang natutuwa sa pagsabak ni Bam sa pulitika na  dominado ng mga trapo. Anila, kung sakali ay magkaka-boses na sa Senado ang mga kabataan at pati na rin ang mga maliliit na negosyanteng nais umunlad ang kanilang buhay. Kung papalarin si Bam, may pagkakataon tayong magkaroon ng bagong uri ng pulitika.  Sana nga.

BACHELOR OF SCIENCE

BAM

DAANG MATUWID

MANAGEMENT ENGINEERING

NATIONAL YOUTH COMMISSION

NINOY AQUINO

PAULO BENIGNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with