^

PSN Opinyon

Pesteng scale insects pagtulungan labanan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MULA nang mag-outbreak nu’ng Hulyo 2010, mahigit 700,000 puno ng niyog na ang winasak ng scale insects (Aspidiotus destructor). Kumalat na ang peste sa bawat tatlong puno sa Batangas. Lumukso na rin ito sa mga karatig probinsiya ng Cavite, Batangas, at Quezon.

Kulang umano ang pagkilos ng pamahalaan, angal ng mga Batangueño. Gitnang-2012 na nang magsimula ang Philippine Coconut Authority na bilangin ang mga inata-keng puno at bantayan ang pagkalat. Napilitan ang mga magniniyog na putulin ang mga puno para ibenta bilang coco-lumber. Dapat daw mag-release ang Malacañang mula sa P150-bilyong coconut levy fund.

Halos P10 milyon na ang nagasta ng PCA sa pag-aaral at paglaban sa peste. Limang laboratoryo ang nagpaparami ng coccinellid beetles na kumakain sa scale insects. Hindi umuubra ang chemical pesticides, pero epektibo ang pag-spray sa puno ng diluted na suka o  dishwashing soap. Itinuturo ang pagpuputol at pagsusunog ng mga impektadong dahon.

Delikado talaga ang scale insects, ani Agham party Rep. Angelo Palmones. Kaya nitong umubos ng mga dahon ng isang puno sa loob nang ilang linggo. Kumakalat sila sa pamamagitan ng hangin, lumilipad na insekto, ibon, at pag-transport ng tao ng impektadong materyales (pamaypay, trapo, lubid na gawa sa dahon). Sa loob ng isang buwang pagkabuhay, nangingitlog nang 50 ang mga babae.

Nu’ng Pebrero nag-ambag si Palmones ng P500,000 sa pagbaka sa peste. Wala ni isang congressman sa mga sinalantang distrito ang gumaya. Magagamit sana ang ambag nila sa mga programa ng PCA. Hindi rin sumunod ang mga gobernador at mayor sa usapang ibawal ang pag-transport ng mga impektadong dahon at buko.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

 

AGHAM

ANGELO PALMONES

ASPIDIOTUS

BATANGAS

BATANGUE

CAVITE

DAPAT

PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with