Bogus ‘Ben Tulfo’ sa FB
ISA sa mga makapangyarihan at pinakamadaling paraan para sumikat ngayon ay sa pamamagitan ng internet. Dahil patok at uso ang iba’t ibang mga networking site, nagagawa ng marami na magpasikat sa kahit anumang paraan na gustuhin nila. Pero sa kabila ng mga paborable at positibong pakinabang sa mga internet website, mas lamang pa rin ang negatibong naidudulot nito sa publiko.
Naging trending sa aking programa at sa mga sumusubay- bay ng BITAG ang Fan Page ng nagpapanggap na ‘BEN TULFO’ nitong mga nakaraang araw. Nakatawag sa aking pansin ang isang putok sa buhong hinayupak na kolokoy na walang inatupag kundi ang maglabas ng news feed sa Facebook na puro kasinungalingan, katangahan at walang kakwenta-kwenta para manggantso, manloko at mangalap ng ‘like’ sa mga BITAG fan.
Isang kawatan ng identipikasyon at pagkakakilanlan na kabagang ng mga sindikatong balasubas at halang ang bituka na nambibitag ng mga pobreng indibidwal para pagkakitaan o para manira ng isang media personality. Hindi ako ‘techi’ na tao. Hindi rin ako interesado sa mga social networking site partikular sa FB! Sadya ito para protektahan ang aking personalidad. Pero, lahat ng programa ko sa telebisyon, may kanya-kanyang lehitimong account sa internet.
Kala n’ya siguro maiisahan nya ako. Hindi! Kung mga panggagantso rin lang sa internet ang pag-uusapan, eksperto sa pag-iimbestiga ang BITAG d’yan! Posibleng isa sa mga masugid na tagapagsubaybay ng BITAG ang kolokoy na nagtatago sa pangalang “BEN TULFO†sa Facebook.
Hindi naman masamang humanga. Pasalamat pa nga ako sa suporta ninyo sa mga programa ko. Pero kung ang intensyon nitong nagpapanggap na “BEN TULFO†ay nakawin ang “identity†ko para sa sariling interes, mali ‘yun! Tawag namin dito, ‘Identity theft!’ Hindi nalang sana namin papansinin ang garapalang pagnanakaw pati na ang mga kabalbalan ng estas barabas hudas satanas na ito pero dahil sa pangambang masira ako sa publiko, mabuting tapusin na ang maliligayang araw ng gunggong na ito.
Kung sino ka mang talÂpulano o talpulana na nagkukubli sa bogus na account na ‘yan, tapos na ang maliligayang araw mo! Binibigyan kita ng pagkakataon na i-deactivate ang mga ginawa mong bogus na account sa internet! Hindi ako nananakot! Hin di rin ako nagbabanta. Pero, tapos na ang maliligayang araw mo Kenkoy! ‘Wag kang aastang parang kolokoy! Ako mismo ang bi-BITAG sa’yo! Binabalaan namin ang publiko ‘wag magpapaniwala sa mga sinasabi ng kawatang ito. Maiging i-block at i-report ninyo sa Facebook Management ang bogus na “BEN TULFO†Fan Page para mabura na sa social networking site!
Manood at makinig sa Bitag Live! sa Radyo 5 at AKSYON TV sa Channel 41 araw-araw. Pinoy US Cops – Ride Along , Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4.
- Latest