Sa makapal na goma dapat yari ang pisi ng iyong pasensya, para hindi kaagad bibigay kahit anong lakas ng haltak at puwersa.
Ito ang pinagmulan ng ginawang pananakit umano sa 64 anyos na si Luzviminda “Nini†Aquino. Itinuturo niyang may kagagawan nito ay ang kapitbahay ng kanyang anak na si Wilson Uy—52 anyos sa Goldkey Mansion, Sauyo, Quezon City.
Pebrero 16, 2013 ng umaga kasalukuyang nakiki-laba si Nini sa bahay na pagmamay-ari ng anak na si Joan A. Malveda na isang domestic helper sa Switzerland.
Nagulat na lamang siya nung may biglang humablot sa kanyang kuwelyo at puwersahan siyang itinayo.
“P$%&*^&^ mo ka matanda ka namumuro ka na sa’kin! Halika sumama ka sa’kin sa baranggay!,†sabi raw ni Wilson sa kanya sabay hila nang mariin sa braso niya at kinaladkad siya.
“Teka, teka! High blood ako! Hindi ako makahinga!,†sigaw ni Nini ngunit kinutusan daw siya ni Wilson nang malakas sa gilid ng kanyang tenga.
“Dapat lang mamatay ka na p$%&*^&^ mo kang matanda ka! Kung anu-anong kinakalat mong tsismis!,†sagot umano ni Wilson.
Kuwento ni Nini pagdating sa baranggay ay pulang-pula sa galit na pinagmumumura pa rin siya ni Wilson.
“Ayan! I-blotter ‘nyo yang p$%&*^&^** tsismosang matanda na yan!,†sabi umano nito.
Baranggay blotter lang ang pinagawa ni Wilson at hindi na nagkaroon ng pag-uusap sa harap ng lupon, at gayundin si Nini. Sinalaysay nilang pareho ang reklamo sa isa’t-isa.
“Wala po akong tsinitsismis pero ayaw ko na lang pong magsalita tungkol sa nalalaman ko tungkol sa anak kong si Joan at diyan sa Wilson na yan,†naiiyak na pahayag ni Nini.
Nagtataka raw siya kung bakit sa kanya sinisisi ang tungkol sa kumakalat umanong tsismis ukol kay Wilson.
Marso 2011 pa nung pinaalis siya ni Joan sa kanyang poder kaya’t matagal siyang nawala sa Goldkey. Nabalitaan na lang daw niya ang tungkol dito mula sa isang kakilala.
Hindi inaakala ni Nini na masusundan ang ginawa sa kanya ni Wilson.
Feb 26, 2013 ng alas-10 ng umaga, pagkatapos mag-‘deliver’ ng sabon at lotion ni Nini sa katabing bahay ni Wilson na sina Mrs. Torralba, tiyempong naka-tambay umano sa labas ng bahay nito si Wilson.
Matalim ang tingin nito sa kanya at nagsabing “P^&*%*&^ kang matanda ka ‘di ba sinabi ko sa’yong wag ka nang madaan-daan dito!?,â€
“Bakit!? Masama bang dumaan!?,†pairap na sinabi ni Nini ngunit pasugod na sa kanya si Wilson kaya’t nagtatakbo siya papunta sa garahe ng kanyang anak. Hinabol siya ni wilson at nung maabutan siya, nanggigigil umanong hinawakan siya sa baba.
“P^&*%*&^ ka! Nandito ka na naman! Kapag naaprubahan yung pagpapa-ban ko sa’yo hinding-hindi ka na makakadaan pa rito!†sabi umano ni Wilson sabay malakas na siniko raw ang kanyang dibdib at bumalandra siya sa pader.
Sasapakin na umano si Nini sa mukha ngunit dumating ang asawa ni Wilson na si Evelyn at natigilan ito.
Dito na nagsampa ng reklamo sa baranggay si Nini. Naka-tatlong patawag ang lupon ngunit walang balak na pa-areglo ang ginang.
“Magaling kang artista! Ano kailangan mo pera!?,†sabi raw ni Wilson sa harap ng lupon.
Nung araw ding iyon, nagbigay ng sulat sa presidente ng Homeowner’s Association si Wilson upang hindi na makapasok ng Goldkey si Nini. Reklamo niya na sobra na ang ginagawang pagkakalat ng kung anu-anong kuwento ang ale, at kung hindi siya makakapagpigil, ay baka masaktan niya ito.
Nangyari ang dalawang insidente habang nasa Switzerland pa si Joan pero ipinaalam daw ni Wilson at Evelyn ang papapa-“ban†kay Nini sa kanilang subdibisyon. Pumayag daw si Joan tungkol dito, na ipinagdamdam ni Nini sa anak.
“Hindi ko nga po alam kung bakit diyan kumakampi ang anak ko! Kaya pumayag yang ipa-ban ako para hindi ko nakikita ang mga kabalbalan na ginagawa nila! Walang galang sa ina! Buto, laman at puri ang kayod ko para buhayin lang sila tapos ganito ang igaganti sa akin!,†naghihinanakit na sinabi ni Nini.
Hanggang ngayon ay wala na umano siyang natatanggap na sustento buhat kay Joan.
“Nagmamakaawa pa po ako sa katulong ni Joan para lang bigyan ako ng pagkain. Hindi ko alam kung bakit ako ginaganito ng sarili kong anak. Inalagaan at pinalaki ko ang mga anak ni Joan nung iniwan sa’kin para makapagtrabaho siya sa ibang bansa. Nung makuha na nila kailangan niya, sinuka na lang niya ako basta!, †sabi ni Nini.
Wala rin daw anumang suportang ipinaparamdam sa kanya si Joan tungkol sa kaso kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan upang makapagsampa siya ng reklamo.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kuwentong ito ni Nini.
Para sa isang balanseng pamamahayag kinapanayam namin si Joan para makuha ang kanyang panig. At nagulat kami sa mga pananalitang sinabi niya laban sa ina.
“Ano pong inabandona!? Mama may boyfriend ka! Nung nasa abroad ako at iniwan ko mga anak ko sa’yo, itinira mo pa yung boyfriend mo sa bahay ko! Ako bumuhay sa boyfriend mo! Tapos ngayon pati ako tsinitsismis mo! Hindi ka pa nakuntento pati anak kong dalaga sinisiraan mo! Sobra ka na Mama! Tama na!,†sagot ni Joan.
ABANGAN ang iba pang rebelasyon ni Joan tungkol sa ina at ang panig ni Wilson Uy tungkol sa mga akusasyon sa kanya sa MIYERKULES EKSKLUSIBO rito sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)
Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527 . Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com