^

PSN Opinyon

TRO pumabor kay Mayor Echiverri vs. Malapitan

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI na pinaporma at pinatigil ni Caloocan City RTC Judge Dionisio Sison, Branch 125, si 1st  District Rep. Oscar Malapitan sa paggamit nito ng Priority Development Assitance Fund o ‘pork barrel’ sa pamamagitan ng pag-isyu ng tseke o medical coupon gamit ang tanggapan sa DSWD matapos katigan ng korte ang petisyon inihain ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri upang mapahinto ang korupsiyon.

 Sa 2-page decision ni Judge Sison, inutusan nito si Malapitan at ang DSWD na tigilan ang pag-isyu ng tseke at medical coupon na kukunin sa PDAF ng kongresista.

 Bukod kay Malapitan respondent din sa petisyon sina DSWD Secretary Dinky Soliman at Commission on Election (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr.

Nakasaad sa decision making ni Judge Sison, “After a careful perusal of the petitioners’ evidence and other relevant documents submitted to the Court, this Court is constrained to grant the application, in order to maintain status quo, and that respondent (s) Oscar Malapitan and the Department of Social Welfare and Development are hereby restrained/enjoined from issuing DSWD Check and Medical Coupons with cash value and porcessing them for payment from PDAF of respondent Malapitan,”

Kinatigan ang petisyon ni Echiverri dahil na rin sa “testimonial and documentary evidence” habang ang mga respondents naman ay piniling huwag na lamang maglatag ng kahit na anong ebidensiya.

Ayon pa sa iprinisintang ebidensiya ni Echiverri, anak nitong si Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri at ng isang Luis Razo na patuloy ang pagwaldas ni Malapitan ng PDAF nito sa pamamagitan ng pag-isyu ng tseke at medical coupons ng DSWD.

 Last Friday ay unang naghain ng petisyon para sa TRO si Mayor Echiverri upang ipahinto ang paggamit ni Malapitan ng pork barrel nito sa kampanya na isang paraan umano ng “corruption, vote-buying at fund-raising na mahigpit na ipinagbabawal ng Omnibus Election Code.

 Ang paghahain ni Recom ng petisyon ay base na rin sa reklamo ng siyam na residente ng Bagong Barrio na umano’y ginamit ni Malapitan upang makapaglabas ng pondo mula sa DSWD sa pamamagitan ng tseke ng nagkakahalagang P3,000 bawat isa.

Sa affidavits ng tatlo sa mga complainants, nagtungo sa kanilang mga bahay ang staff ni Malapitan na nag-alok ng tulong sa pamamagitan ng P3,000 na magmumula sa DSWD at kinuha ang pangalan ng mga ito kapalit ng pag-isyu ng tseke na ipapalit sa DSWD-Batasan.

 â€œPag-uwi po namin mula sa Batasan, nakita po namin na naghihintay sa bahay namin ang staffer ni Malapitan at kinolekta na niya ang P2,600 sa bawat isa sa amin,” sabi pa ng mga nagrereklamo.

Ang sinasabing P2,600 ay bahagi ng perang nakuha ng mga nagrereklamo sa DSWD-Batasan at tanging P400 lamang ang napunta sa mga complainant at upang hindi na maulit pa ang ginawa ng kampo ni Malapitan ay nagdesisyon ang mga ito na magsumbong sa media.

Abangan.

Iisa ABAKADA - Guro

Nilinaw ni COMELEC chairman Sixto Brillantes, matagal nang naresolba ng poll body ang isyu ng lidership at ‘nominees’ ng parylist group, ABAKADA-Guro, pabor sa grupo ni dating Rep. Jonathan dela Cruz.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinabi ni Brillantes na sa pitong patylist groups na may isyu sa liderato at nominees, matagal nang nadesisyunan ng Comelec ang kaso ng ABAKADA at ng CIBAC.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tapos na ang kaugnayan ni dating ABAKADA president, Samson Alcantara, sa grupo nang magdesisyon itong tumakbo at payagan ng Comelec bilang “Independent candidate” sa Senado ngayon election.

Ikinatuwa ni dela Cruz, pangulo ng ABAKADA, ang paglilinaw ni Brillantes.

Batay sa desisyon ng Comelec en banc, si dela Cruz ang ‘first nominee’ sa Kongreso, kasama sina Atty. Alexander Lopez, Dr. Rodolf Tor at school administrator, Josephine Reyes.

 Kinilala rin ng Comelec si Ricardo de Leon, dating pangulo ng Mindanao State University at kasalukuyang EVP ng Centro Escolar University, bilang ABAKADA chairman at Dean Vincent Albano, bilang secretary general.

Magtatalaga ang ABAKADA ng bagong kapalit ni dating Ambassador Reynaldo Parungao, na sumakabilang buhay na.

ABAKADA

BATASAN

COMELEC

CRUZ

DSWD

ECHIVERRI

JUDGE SISON

MALAPITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with