ALAM n’yo bang sinadyang binabaan ang passing grade ng katatapos na Bar Examinations?
Ayon sa aking bubwit, sa kagustuhan ng isang mahis-trado ng Korte Suprema na pumasa ang kanyang anak, kinausap ang chairman ng Bar Examinations upang babaan pa ang passing grade.
Hindi pala umabot sa passing grade na 75 percent anganak ng mahistrado. Ito ay nakakuha lamang ng 71 percent kaya kung susundin ang regular na alituntunin ng Korte Suprema, ito ay bagsak sa pagsusulit ng mga nais maging abogado.
Ayon sa aking bubwit, dahil mababa ang percentage ng mga pumasa sa Bar Exams na ibinigay noong October 2012, nagkaroon ngayon ng magandang dahilan parababaan ang passing grade. Binabaanang passing grade from 75 percent ay ginawang 70 percent na lang.
Dahil 71 percent ang nakuhang grade ng anak ni Supreme Court Justice, siyempre nakasama na siya sa listahan ng mga bagong abogado.
Usap-usapan ito sa mataas na hukuman kaya may mga nagmungkahi noon na ilabas ang nakuhang grado ng anak ng nasabing justice.
Naku, naulit na naman yung kasong isang Supreme Court justice noong panahon ni dating President Marcos noong 1980’s. Yung kontrobersiyal na isyu sa anak ni da-ting Justice Ericta. Tinaasan ng ilang puntos ang grado ng anak ni Justice Ericta upang umabot sa passing grade.
Ayon sa aking bubwit, ang Supreme Court Justice na nakialam umano sa resulta ng Bar Exams para pumasa ang kanyang anak na barrister ay si Justice L. as in Lagpak.