MARAMING haka-haka ang nagsusulputan kaugnay ng nakaambang digmaan ng North at South Korea. Sabi ng ilan, ang banta ng komunistang Norte ay bunga lang ng nangangating kamay ng batambatang leader ng naturang bansa. Palibhasa sa murang gulang ay binigyan ng napakataas na katungkulan at ginawa pang heneral ng kanyang yumaong ama na dating Presidente.
Ilang beses nang nagsagawa ng nuclear testing ang North Korea na ikinagalit ng komunidad ng mga bansa kaya nagpatupad ng economic sanction laban dito. Ibig sabihin, ang mga pangangailangan ng naturang bansa na kailangang angkatin ay pipigilin.
Kaya dahil dito, ang galit ng North Korea ay itinuon sa United Nations na nagpataw ng sanction, partikular sa United States!
Sa hitsura at ugali, talagang iisang molde ang mag-amang ito. Ugaling barbaro na ang hangarin ay wasakin ang daigdig.
Masyadong tensyonado ang kalagayan sa pagitan ng dalawang bansa. Sa South Korea, maraming mga Pilipinong nagtatrabaho roon na sinasaklot ng takot dahil sa kawalan ng katiyakan kung ano ang susunod ng mangyayari.
Ipinagmamalaki ng North Korea ang mga sandatang nuclear nito at binabalaan na titirahin maging ang Estados Unidos. Sabi ng iba “saber rattling†o panduduru lang ang ginagawa ng naturang bansa sa pamumuno ng uhuging leader nito.
Gayunman, panduduro man o totoo ang intensyon, nagdudulot ng ligalig ang situwasyon sa lahat ng bansa. Pati ang China na sinasabing kaalyado ng North Korea ay nagpahayag ng pagkairita sa mga iresponsableng ginagawa ng naturang bansa.
Ayon sa pinakahuling reÂport, binabalaan na umano ng North Korea ang lahat ng dayuhan sa South Korea, kasama na ang mga Pilipino doon na magsilikas na para huwag madamay sa gulo.
Hmm, tila may pahiwatig na ito’y handa nang magpasabog ng missiles. Isang hunghang na desisyon kung gagawin ito ng naturang bansa. Iisang mass of land ang North at South Korea at kung bobombahin nila ito, pati sila’y mapapahamak! Pati mga kalapit na bansa ay mapapahamak din.
Eh kung noon lang na su mabog ang nuclear reactor sa Japan ay nataranta na ang buong mundo, ito pa kayang aktuwal na magpapasabog ng bombang nukleyar?
To say the least, diaboliko ang iniaasal ng North Korea at kailangang magkaisa ta-yong manalangin para ito’y mahimasmasan at magbago ang takbo ng isip.