Sunog na naglalagablab ang bulalas ng galit, humupa at matupok ang apoy, maiiwang nakakalat ang abo na dudungis sa mukha ng may likha nito at pati na rin sa mga tao sa paligid na walang kinalaman dito.
Ito ang nangyari sa itinampok naming kwento nung nakaraang buwan na tungkol sa kinasangkutang kaso na “Attempted Homicide and Grave Threat†ng mag-inang si Benedicta “Benny†Gual—62 na taong gulang at Romeo “Rolly†Gual Jr.—28 na taong gulang ng Brgy. Sto Niño, Sto Domingo, Quezon City.
Ang reklamo ay isinampa laban sa kanila ng kapitbahay nilang isang dating pulis na si Danilo Deudor—53 na taong gulang, na ninong din ni Rolly sa binyag.
Kwento ni Benny, isang matagal nang alitan ang pinag-ugatan nito(kinasuhan nila ng “Physical Injuries in relation to Child Abuse†dahil sa pananakit umano kay Rolly—na 16 anyos lang nun).
Muling nagningas na lang ito nung magkatinginan sila nang masama ni Danilo sa daan nung Enero 8, 2013.
Dulot ng mapang-insultong mga salita umano ni Danilo kaya’t hindi napigilan ni Benny na pagsusuntukin sa dibdib ito. Nakisali sa gulo si Rolly nung maabutan niya ang girian ang dalawa. Katwiran ni Danilo, alam ng mag-ina na may sakit siya sa puso at halos atakihin siya nung puntong yon.
Sa tatlong beses na paghaharap sa baranggay ay hindi napag-ayos ang parehong panig. Dumulog muli sa aming tanggapan ang mag-ina upang maintindihan ang maari nilang gawin sa reklamo ni Danilo sa mga pulis.
Para sa patas na pamamahayag, inalam din namin ang panig ni Danilo. Pinagbatayan namin ang impormasyong kanyang sinalaysay sa mga pulis. Ayon sa kanya, umaga ng Enero 8, 2013 habang nakatayo siya sa tapat ng kanyang bahay ay nasalubong niya ang matalim na tingin sa kanya ng dumaraan na si Benny. Biglang hiniritan umano siya nito,“Ano’ng tinitingin-tingin mo!? Lalaban ka!?â€.
Pinabayaan na lang daw niya ito ngunit nung madaan ulit pabalik si Benny, bigla na lamang siyang sinugod nito at pinagsusuntok sa kanyang kaliwang dibdib na ani mo’y alam na alam daw kung saan siya dapat punteryahin. Alam umano ni Benny na kakatapos lamang niya ng operasyon sa puso nung nakaraang Disyembre 2012.
Nakaramdam ng matinding pananakit ng dibdib si Danilo at wala raw siyang nagawa kung hindi salagin na lang ang mga suntok ni Benny. Nagawa raw niyang makalayo at makarating ng bahay kung saan mas naramdaman niya ang sakit ng kanyang dibdib.
Nagulat na lang si Danilo nung makadinig ng malakas na kalabog sa kanilang bubong at pinto ng bahay. Pagsilip niya, nakita umano niya si Rolly na tumatakbo pauwi sa bahay nito habang may hawak pa ring bato.
Pinilit daw ni Danilo na makalabas para komprontahin ang mag-ina para malaman kung ano ang problema ng mga ito sa kanya.
Lumabas si Benny ngunit sa halip makipag-ayos ay pinagsusuntok daw siya ulit nito at nagsabing “Kung may baril lang ako, pinatay na kita!â€. Sunod na lumabas daw itong si Rolly at nanlaki ang kanyang ulo nung iwasiwas umano nito ang isang samurai sa tapat niya.
Bilang katibayan ng pinsalang nagawa sa kanya ng mag-ina ay pinakita niya sa mga pulis ang resulta ng Medico Legal Examination Report na ginawa sa kanya nung Pebrero 4, 2013 na pirmado ni P/Cinsp Caryl P. Escaro, M.D.
At para patotohanan ang kanyang kundisyon, nagpasa rin ng isang Doctor’s Certificate si Danilo na pirmado ng kanyang doktor na si Dr. Edgardo E. Ebba ng UST Hospital.
Tatawa-tawang itinanggi ni Rolly ang tungkol sa samurai na binaggit ni Danilo sa salaysay dahil wala umano siya nun.
“Sa liit kong ito, 40’9’ lang po taas ko, baka hindi nga ako makabitbit ng isang samurai,†sabi ni Rolly.
Giit ng mag-ina na hindi nila alam ang kundisyon ni Danilo. At sinabi ni Benny na pagkainsulto ang dahilan ng kanyang pananakit at wala siyang intensyong patayin si Danilo.
“Hindi naman po ako boksingero na nakakapatay sa suntok para pagbintangang gusto ko siyang patayin. Kung sinasabi niyang nakapasok pa ako ng bahay, madali pong kumuha ng kutsilyo para itarak sa puso niya,†sabi ni Benny.
Pebrero 6, naghain na ng reklamo si Danilo sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City. Nais humingi ng tulong nina Benny at Rolly kung papaano sasagutin ang mga sinabi sa salaysay nitong si Danilo.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kwentong ito ni Benny at Rolly.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, makikita naman ng prosecutor kung may batayan para pumasok sa kasong “frustrated homicide†ang reklamo laban sa mag-ina. Sa kasong ganito, ang hahanapin ng taga-usig ay ang “intent to killâ€. Nung una naming naisulat ito, wala pang naipakitang “medical certificate†itong si Danilo. Napilitan na lang siyang maglabas, pero sa aming palagay ay mahirap paniwalaan ito dahil ang lumabas sa ulat ng Medico Legal Examination ni Danilo ay “No external signs of injury at the time of examinationâ€. Maliban pa rito, isang buwan na ang nakaraan matapos ang insidente, nung siya’y magpatingin sa isang “medico legal officerâ€. Kung totoo ngang naglabas ng samurai itong si Rolly, bakit hindi niya kaagad pinahuli sa baranggay o mga pulis ito, dahil kagaganap lang ng insidente at pwedeng hulihin si Rolly at baka sakaling narecover pa ang patalim! Pwede pa sanang kasuhan niya ito ng “illegal possesion of deadly weaponâ€. Madaling mgsampa ng kaso. Ang mahirap ay ang patunayan ito. Ang testimonya, para maging kapani-paniwala hindi lamang dapat magmumula sa isang kapani-paniwalang tao(“sourceâ€) bagkus pati ang mismong testimonya ay dapat maging kapanipaniwala. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)
Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527 . Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes. Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com