PCOS palpak: Bistado sa Cebu vote recount

HINAMON ni election lawyer Romy Macalintal nu’ng makalawang linggo ang mga kritiko ng precinct count optical scanners. Magpakita raw sila ng pruweba na miski sampu lang sa 35 milyong balota na binilang ng PCOS para sa isang kandidato nu’ng 2010 ay mali at dapat pala sa kalaban. Kundi, manahimik na raw sila nitong Halalan 2013.

Nagkataon na nu’ng linggo ring ‘yun, sinimulan ng regional trial court ang manual recount ng mga boto para mayor sa Compostela, Cebu. At batay sa isang cluster pa lang ng apat na presinto sa Barangay Poblacion, 1,254 ang maling bilang para sa magkatunggaling Ritchie Wagas at Joel Quiño. Lumabas na lamang si Wagas, ang natalo na datihang mayor, kay Quiño, na ngayo’y nakaupong mayor.

Ikumpara ang PCOS count at ang manual recount:


Makikitang nagkapalit-palit ang mga boto para sa isa’t isa. Sa pagtatanggol sa PCOS, hindi dininig ng Comelec ang protesta ni Wagas, kaya sa korte siya dumulog. Hindi na raw siya interesadong maluklok, kundi malaman lang ang katotohanan.

Ani Wagas, dalawa lang sa 34 clustered precincts nu’ng Halalang 2010 ang nag-transmit ng resulta. At sa natirang 32 clusters, 20 election returns lang ang lumitaw sa PCOS. Hindi rin nagtugma ang serial numbers ng PCOS machines sa nakasulat sa ERs.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com

 

Show comments