AKO, payag akong magbenta ng aking sagradong boto pero may terms: Get elected now, pay me later. Ang bayad ay hindi pera kundi mabuti at tapat na serbisyo. Serbisyong magbibigay ng de-kalidad na buhay sa bawat Pilipino at magpapaasenso sa bansa.
Kaso ilang beses ko nang ibinenta ang aking boto pero yung mga nahalal ay wala pang mabuti at tapat na serbisyong kabayaran!
Kani-kaniyang strategy ang mga politiko tuwing eleksyon. May mga clean gimmick pero kadalasan ay dirty tricks. Sana naman ay mulat na ang mga Pinoy. Sumusuri sa puso at intensyon ng kandidato at hindi napapatangay sa mga boladas o natatapatan ng pera ang boto.
Ito palang si Guiguinto, Bulacan Mayor Gani Pacual, imbes na mag-rally o magparada ay nagpamisa na lang sa simbahan ng bayan at balita ko halos pumutok ang simbahan sa dami nang taong dumalo.
Isa pang hadlang sa mabuting pamamahala ay ang political dysnasty. Okay sana na maglingkod ang mga magkakaanak kung walang vested interest. Pero laging napapasukan ng personal na interes kaya sinasabing ito’y “ugat ng katiwalian.†Mahirap yatang maibasura ito dahil mismong mga gumagawa ng batas ang tutol.
Sabi nga ni Bataan first district congressional candidate (NPC) Tong Payumo, hinilingan siya ni Budget Sec. Florencio Abad na bumuo ng isang kowalisyon ng mga political leaders pero nabigo siya. Kasi, ibig daw ng Garcia political clan na mabigyan ng maraming posisyon ang miyembro ng kanilang pamilya. Mahirap talaga ang coalition kapag may kani-kanyang interes ang bawat partido. Collision at hindi coalition ang lumalabas eh.
Sa pagsisimula kamaÂkailan ng campaign period sa Bataan, si Payumo ang nanguna sa campaign rally. Ipinagmamalaki niya na kahit noong nauna siyang naging kongresista, wala ni isa mang miyembro ng kanyang pamilya ang pumasok sa politika maliÂban sa napipintong halalan ngayon dahil tumatakbo sa pagka-governor ng lalawigan ang anak niyang si Mayor Tonito Payumo ng Dinalupihan.