MARAMI nang namatay na pasahero sa Commonwealth Avenue na tinaguriang “killer highwayâ€. Kung anu-ano nang eksperimento ang isinagawa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa nasabing highway para mapigilan ang mga “Kabaong Bus†na kumalawit ng mga kawawang pasahero, pedestrians at mga motorista. Ginawang 60 kph ang takbo ng mga sasakyan, binantayan ng mga MMDA traffic enforcers ang prone accident area, naglagay ng malinaw na signage at mga babala at maraming iba pang paalala at paghihigpit. Pero ang lahat nang ito ay nababalewala sapagkat patuloy pa rin ang “Kabaong Bus†sa pagyayaot at patuloy na nagbibigay takot sa mga pasahero.
Noong Lunes ng gabi, isang humahagibis na Everlasting Transport ang bumangga sa konkretong poste malapit sa Tandang Sora flyover dakong alas-diyes ng gabi. Sa lakas ng pagbangga sa poste ay nawasak ang unahang bahagi ng bus. Nawalan umano ng preno ang bus. Ang 42 pasahero ay pawang nasugatan. Karamihan sa mga pasahero ay natutulog at nagising na lamang sila na may sugat sa ulo, mukha, tuhod at paa. Humampas sila sa upuan ng bus. Ang iba ay hindi makalakad kaya halos gumapang sa kalsada. Mayroong nakunan ng photo na parang natulala at hindi pa ganap na maalala kung ano ang nangyari at nasa kalsada siya. Tumakas ang drayber ng bus at magpahanggang ngayon, ay hindi pa lumulutang. Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat ng Everlasting Bus.
Nang araw ding iyon isa pang bus ang naaksidenÂte sa North Luzon Expressway. Bumaliktad ang bus na umano’y patungong Bulacan. Nasugatan ang mga pasahero at isinugod sa pinakamalapit na ospital. Nahirapang kunin ang ilang pasahero na naipit ng upuan. Wala namang namatay sa aksidente. Nawalan din ng preno ang bus kaya raw bumangga sa pader at bumaliktad.
Palaging nawawalan ng preno ang dahilan. Bakit nairerehistro pa ang mga bus na ito? Tanggap na lang nang tanggap ng bayad ang LTO sa mga may-ari ng bus. Kahit na sira ang preno, walang pakialam ang LTO. Basta may ibabayad sa rehistro, okey na okey.
Marami nang namatay sa bus accident, at magpapatuloy ito hangga’t nasa kalsada ang mga “Kabaong Bus Coâ€. Paulit-ulit lang ang pagsuspinde. Dapat tanggalan ng prankisa ang mga miyembro ng “Kabaong Bus Co.†I-drug test sa tuwina ang mga driver para makasigurong hindi sila lango sa droga habang nagmamaneho.