BATAY sa Konstitusyon dalawa ang tungkulin ng Commission on Elections. Una, magpasya sa mga kaso na may kinalaman sa halalan. Pangalawa, pamahalaan ang lahat ng eleksiyon.
Magkaibang eksperto ang kailangan ng dalawang trabaho. Para sa una, dapat ay abogado na patas at biha sang sumuri ng legalidad. Para sa ikalawa, dapat ay management, systems, at logistics expert na marunong magpatakbo ng mga proseso at magpakalat ng maramihang resources (tao, balota, tinta, atbp.) sa tamang lugar at oras. At dahil sa Automated Election Law of 2008, kailangan din ng information-technologists.
Saad ng Konstitusyon, dapat buuin ang Comelec ng pitong commissioners, at hindi bababa sa apat sa kanila dapat ay abogado. Sa karanasan ng bansa, hindi mai-sagawa nang matino ng mga abogadong commissio-ners ang election automation. Maanomalya ang unang automation nu’ng 2006, kung kelan kinontrata ng ComeÂlec ang MegaPacific. Noon namang 2010 at ngayong 2013, sablay ang precinct count optical scanners ng Smartmatic, bagong kakontrata ng Comelec.
Dapat siguro ay i-amend ang Konstitusyon para paghiwalayin sa dalawang ahensiya ang pagpapasya sa kaso at pamamahala sa eleksiyon. Pero, madugo para sa bayan ang pagdaos ng Charter Change. Kaya, ang panukala si Gus Lagman, IT expert at dating ComeÂlec commissioner, ay paghatian na lang ng pitong commisÂsioners ang dalawang functions.
May dalawang vacancies ngayon sa Comelec. Ani Lagman, sana ay magtalaga si President Noynoy Aquino ng dalawang IT experts bilang commissioners. Para, pangatlo si Grace Padaca na hindi naman abogado kundi dating politiko, mapapamahalaan nila ang auto mation. Samantala, iwanan sa apat na abogadong commissioners ang mga kaso.
* * *
Makinig sa Sapol, SaÂbado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com