^

PSN Opinyon

Jobless in Qtar!

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KA-CHAT ko sa facebook ang ating contributor sa Qtar edition ng Pilipino Star NGAYON na si Ms. Jovelyn Bayubay Revilla at nalaman ko na tumutulong siya sa isang grupo ng mga Pinoy sa naturang bansa na kalahating taon nang walang trabaho at umaasa lang sa mga kababayang umaasiste sa kanila.

Ipinasa niya sa akin ang isang sulat mula sa kinatawan ng naturang grupo  na nagngangalang Renato Bolivar Prado na gusto ko’ng bigyang daan para makaabot sa mga kinauukulan ang problema ng mga kababayan nating ito. Ani Mr. Prado:

Sana’y makarating sa kaalaman ni Presidente Noynoy o ni Vice President Binay ang problema namin dito sa Doha, Qatar. 60 kaming OFW dito na mag-aanim na buwan nang walang trabaho sa kompanya namin at tatlong buwan na kaming hindi pinapasahod. Nagreklamo na kami sa  OWWA noong January 5 pero hanggang ngayon wala pang tulong kami natatanggap maging sa Philippine embassy. Karamihan sa amin dito tapos na ang kontrata. May naka 7 years at 6 years , 5 years . 4 years halus karamihan sa amin dito lampas na sa due date ng kontrata at ang mga Iqama namin isang taon nang expire at hindi pa rin kami napapauwi hanggang sa mag-resign na ang aming hr manager, ni anino hindi kami hinaharap dito sa accomodation lang kami.

Di naming alam ang plano nila sa amin. Gusto namin bayaran nila ang service award namin at pauwiin na nila kami sa Pinas. Maging ang Qatar labor at pulisya ay nag sawa na sa amin at wala ng magawa sa problema namin sa kompanya at nag-file nalang kami ng kaso sa higher court ng Qatar. January one kami nagsampa ng kaso halos mag-iisang buwan na saka lang kami nabigyan ng petsa ng hearing ang unang grupo sa February 14 ang pangalawang grupo sa February 19 ang pangatlong grupo sa Febraury 20 unang hearing pa lang yan. At ang ilaw namin dito papatayin ng 8 ng umaga at bubuksan ng 4 ng hapon at papatayin ulit sa 11 ng gabi bubuksan ng 5 ng umaga hangang 8 ng umaga araw araw ganyan kalagayan namin sa kompanyang ito at minsan walang mailuto ang cook namin binibigay na pagkain halos pinagkakasya lang sa dalawang araw lang na konsumo ang binibigay na pagkain namin.

Kung sino man po diyan sa Pinas ang may mabuting kalooban pakiabot lang po ninyo sa pamahalaan ang problema namin. Green point ready mix ang kompanya namin dito sa Doha, Qatar.

vuukle comment

DITO

DOHA

KAMI

LANG

MR. PRADO

MS. JOVELYN BAYUBAY REVILLA

NAMIN

PILIPINO STAR

PRESIDENTE NOYNOY

RENATO BOLIVAR PRADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with