Panukalang libreng edukasyon
NAKAAALARMA ang balitang mahigit 300 kolehiyo at unibersidad sa bansa ang nais na namang magtaas ng matrikula sa darating na schoolyear. Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), ilan sa mga paaralang ito ay humihiling na payagan silang magpatupad ng 12-15 porsi-yentong tuition fee hike.
Maraming magulang ang lubhang nahihirapan sa pagtataguyod ng pag-aaral ng kanilang mga anak laluna sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga matrikula at iba pang gastusin sa edukasyon. Dahil dito ay maraming kabataan ang napipilitang tumigil sa pag-aaral, habang ang iba ay talagang ni hindi na nakatutuntong ng kolehiyo. Kaugnay nito, inihain ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang panukalang Free Public College Education System (Senate Bill 447). Ang mga nakalinyang kurso sa ilalim ng panukala ay Liberal Arts, Education, Economics, Psychology, Sociology, Political Science, Business Management and Administration, Accounting, Humanities, Philosophy at Literature.
Iniakda rin niya ang SB 496 o Regional Subsidized College Education Program (RSCEP) na maglalaan naman sa bawat rehiyon ng bansa ng programa para sa “free tuition and all school expenses, sustained provision for books, subsistence, clothing and transportation allowance†sa mga kukuha ng four-year college course sa engineering, agriculture, veterinary medicine, education, computer science, nursing at mass communication. Ayon kay Jinggoy, nakasaad sa Konstitusyon na “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.â€
Sa pamamagitan aniya ng mga isinusulong niyang hakbangin ay makatutulong ang pamahalaan sa pagtitiyak ng sapat at de-kalidad na edukasyon sa mga kabataan laluna yung mga nasa maralitang pamilya. Ito rin aniya ay malaking kontribusyon sa paghubog at paghahanda sa mga kabataan bilang mga produktibong mamamayan at mga susunod na lider ng bansa.
Samantala, kami ni Jinggoy at buong pamilya Estrada ay bumabati nang Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa lahat.
- Latest