SA mga bata at matatanda, tandaan ang limang mahaÂlagang tips para makaiwas sa impeksyon:
1. Ingat sa pag-ubo – Maraming mikrobyo ang puwedeng ikalat ng isang umuubo. Lumilipad kasi ang virus at bacteria mula sa bibig ng maysakit at puwedeng malanghap ng iba. Kapag mahina ang iyong resistensya, puwede kang magkasakit. Para maka-iwas: (A) Gumamit ng tissue o panyo. (B) Kung walang tissue, ihango ang ulo sa kaliwang balikat at umubo sa sleeves ng iyong baro. (C) Umubo pababa patungo sa sahig at huwag pataas. (D) Turuan ang mga bata na magtakip ng bibig kapag umuubo. Ang mga bata ay mabilis na makahawa sa ibang tao.
2. Maghugas ng kamay – Alam n’yo ba na may 20 milyong bacteria sa ating kamay? Maraming sakit, tulad ng sore eyes at pagtatae, ang puwedeng makuha sa hindi paghuhugas ng kamay. Ganito ang gawin: (A) Gumamit ng sabon at hugasan ang harap at likod ng kamay. (B) Hugasan maigi ang kuko at dulo ng mga daliri. (C) Puwedeng mag-alcohol pagkatapos makipagkamay sa tao. (D) Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
3. Linisin ang paligid – Ang mga mikrobyo ay puwedeng manatili sa mga bagay-bagay sa ating paligid. I-flush lagi ang kubeta. Itapon ang tissue sa basura. Punasan ng alcohol ang computer keyboard. Malaking tulong din ang paggamit ng vacuum cleaner sa pagtanggal ng mga dumi at alikabok.
4. Kung may ubo, magsuot ng mask – Ang sipon at trangkaso ay napakadali makahawa ng ibang tao. Para makaiwas dito, bumili ng face mask sa mga botika. Mura lang ito. May tulong ito para proteksyunan ang sarili sa may sakit. At kung tayo naman ang inuubo, magsuot din ng mask para hindi makahawa ng iba.
5. Lumayo ng 4 feet sa taong may ubo – Kung may kasama kayong inuubo, at lalo na kung dumadahak siya ng plema, mabuti rin na lumayo ka sa kanya. Dumistansya ng 4 feet sa maysakit para maiwasan ang paglipat ng mikrobyo sa katawan mo. Good luck po!