“Ang Lihim ni Kissa” (Ika-apat na Bahagi)

Patuloy naming tinutukan ang kuwento ng umano’y pagpapakamatay ng 18 anyos na Nursing student na si Kissarne “Kissa” Louise Blanco nung Mayo 25, 2011. Natagpuan ang kanyang labi sa loob ng kanyang kuwarto sa bahay ng kanyang lola sa Pleasant View Subd., Tandang Sora, Quezon City.

Nung nakaraang mga araw ay dinetalye namin ang mga resulta sa mga nakuhang ulat mula sa Criminal Investigation and Detection Group(CIDG), Scene of the Crime Operatives(SOCO), at National Bureau of Investigation(NBI) ukol dito.  Tumulong ang Calvento Files para siyasatin ang iba pang impormasyon(sa pahin­tulot ng pamilya Blanco) tulad ng laman ng Facebook Account at text messages sa cell phone ni Kissa para makita ang huling mga ginawa ng dalaga nung mga sandali bago siya natagpuang patay.

Para sa patas na pamamahayag, itinampok naman namin ang panig ng pamilya nina Police Superintendent Felipe Cazon, Jr. o Tito at ang nagpunta sa aming tanggapan ay ang kanyang asawa na si Dolores (kapatid ni Boyet), at Celestina Shute(ina ni Boyet).Nais nilang sagutin at klaruhin ang lahat ukol sa mga nangyari.

“Marami kaming lilinawin, hindi lang nila matanggap ang nangyari kay Kissa dahil alam nilang silang mag-asawa ang may pagkukulang sa bata!,”ani Dolores.

Una na nilang nilinaw ang tungkol sa autopsy. Habang nasa pu­nerarya, tinawagan umano ni Tito si Boyet para ipaalam ang tungkol dito. Si Boyet umano ang nagsabing huwag na, kahit pinilit pa ni Tito.

May 25, 2011 nauna nang lumuwas ng Maynila si Celestina. Naglabas siya ng hinanakit dahil sa pagpapabukas pa nina Boyet at Cecil sa pagluwas. “Mauna na raw akong lumuwas dahil wala pa silang isusuot na damit. Kung ikaw, may mangyari sa anak mo, kailangan  mo pa bang magdamit ng maganda!? Kahit ano suot mo, yun na!,” pahayag ni Celestina.

 â€œKung talagang mahalaga at may malasakit sila sa anak nila, sila ang una sa lahat ang  dapat humahangos makita ang  bata,” dagdag pa ni Dolores.

Tinanong namin kung ano ang dahilan at sa palagay nila ay nagpakamatay si Kissa. Tahasan nilang sinabi na malaki ang epekto sa bata ng hindi maayos na relasyon nito sa mga magulang.

Simula’t-sapul daw nung nag-aral si Kissa sa Maynila lagi raw tinatanong nito kung mahal daw ba siya ng mommy niya. “Syempre naman mahal ka ng mommy mo,” ito ang laging sagot ni Celestina para mapanatag ang loob ng apo.

Nung “capping” ni Kissa, si Boyet lang ang pumunta ng Maynila. Nung debut daw ni Kissa, gusto sana nina Dolores na mabigyan ng magandang selebrasyon ito. Hiling daw ni Kissa na umuwi ng Leyte at dun mag-debut party dahil nandun ang mga kaibigan nito mula pagkabata. Hindi ito napagbigyan nina Boyet dahil abala sa kampanya ng kapatid ni Kissa sa SK election. Ipinaghanda na lang daw nila nang simple si Kissa sa Tandang Sora.

Bitbit din nina Dolores ang mga photocopy ng “sinulat-sulat na mga salita at larawan (doodled notes)”umano ni Kissa na natagpuan sa kanyang mga gamit.

Sa isang kopya may drawing ng isang batang babaeng naka-talungko sa isang sulok na may katabing kutsilyo at nagkalat na tableta ng gamot. Ang anino nito ay may pusong biyak ngunit may puwang ng konti sa gitna. Nakasulat dito ang mga salitang: “Just let me go. I can’t take it any longer.”// “Love is the slowest form of suicide.”// “You lied to me”// “It’s just me and my shadow.”.

Sa isa pang kopya may nakalagay na petsang Agosto 2, 2009(tatlong taon nang nakakaraan), nakasulat ang  “I love you and Goodbye” at may drawing na pusong hati na nakalagay ang mga pangalang ni Kissarne Louise Blanco at “Kyle Vincent Lawrence”.

Sa isa pang kopya may nakasulat na: “I’m tired of crying every night.. even time cannot heal the wounds in my HEART, I don’t know what to do.. I guess it’s my time to leave now, SORRY if I hurt you, sorry if I did not expressed my love for you.. and sorry for the time I let you down.. THANKS for the love and care you showed to me, the time and momments, thanks for showing what love is, I’ts the best relationship I’ve been in. I know this is the hardest thing and it’s the only way to forget YOU, so GOODBYE! I hope to see you happy. You deserved someone better than ME..”// “All I can do is to FORGET YOU..”// “The last words of mine.”// “SORRY!”// “THANK YOU!”// “GOODBYE!!” L “Just forget about the PAST.”// Kissa 08

Ito ang tinutukoy ni Dolores at Celestina na nakikita nilang pahiwatig. Nilinaw din ni Dolores ang tungkol sa mga nakasaad sa mensahe ng kaibigan ni Kissa na si Aiden Ytable kung saan nabanggit ang anak na si Nico.           “Imposibleng paghinalaan ang anak ko, dahil bago namin matagpuan na patay si Kissa, kasama ko si Nico sa bangko mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon,” kwento ni Dolores.

Naroon din si Boyet na naririnig ang mga sinasabi ni Dolores at kinokontra niya ito kaya’t mungkahi ni Dolores, “Kung may ebidensya ka sa mga hinala mo, maganda pa ngang magsampa ka ng kaso at pag-usapan sa tamang lugar (proper forum). Handa naman kaming sagutin lahat”.   

Mayroong dokumentong nakuha ang aming staff, isang sinumpaang salaysay na ibinigay sa NBI ng isang malapit na kaklase ni Kissa na maaring bumangga sa deretsong pahayag sa kinaroroonan at kung ano ang gingawa ng anak ni Dolores at Tito, na si Nico nung araw na matagpuan ang nakabitin na bangkay ni Kissa. Ano ang  nilalaman ng dokumento at sino ang  taong ito? ABANGAN ang karugtong ng seryeng ito sa LUNES EKSKLUSIBO sa CALVENTO FILES dito sa PSNgayon. Sa huling ulat, napabalita sa amin na itong si Pol. Supt. Felipe Cazon ay may balak na magbigay din ng pahayag ngunit magpapatingin muna sa kanyang cardiologist. Hanggang sa sandaling sinusulat namin ito, walang sumisipot na Pol. Supt. Cazon.

SA IBA NAMANG BALITA.. Para sa mga empleyadong kaila­ngang makapasok pa rin ng Huwebes at Biyernes Santo, pinapaalaa ni kaibigang Jack Enrile na dapat na bigyan sila ng tamang bayad ng mga korporasyong kinabibilangan nila. Dapat doble ang bayad dahil ito’y nakasaad sa batas. Dapat ibigay sa mga kawani ito na mas piniling magtrabaho sa halip na magbakasyon kasama ng pamilya. Sabi nga ni Jack ibigay natin sa ating mga manggawa ang nararapat na bayad. Kapag hindi natupad ito, maari silang ireklamo. (KINALAP NI PAULINE VENTURA) Sa gustong dumulog ang  aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527 . Ang  landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

 

Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com

Show comments