CONTINUATION ng mga tirada ni Donya Buding, alyas ‘butanÂding’ dyan sa NKTI.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ito kuwentong kutsero. dahil nakita nila mismo ang ilang mga dokumento na kumpanya na niya ang mga ginamit sa kinakailangan ng ospital.
Naku ha !
Totoo kaya ito ?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bumili raw ang ospital ng mga mumurahing plastic container na umabot sa P116,300. Puwedeng masabi na dahil bulto ang bili ay pumasa ang ganoong halaga kahit walang bidding, Ang problema ay galing mismo sa kaniyang kumpanya ang mga container na ito. Medyo nahiya si Donya at binura n’ya ‘yung isang resibo na nakalagay mismo ang kaniyang pangalan bilang proprietor ng kumpanya. Kaya lang nakapasok na sa record ng ospital at ngayon ay maari nang busisiin ng BIR.
Dahil ang mga ganitong klaseng kalakaran ay nabiyayaan ng husto si Donya Buding tulad ng isang brand new at napakagandang bahay sa Antipolo at ilang mga condominium unit sa Quezon City.
Ika nga, tumipak !
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon may mga bago pa siyang negosyo sa NKTI dahil siya na rin ang humahawak nung “5-6†sa mga employee at naging operator pa rin siya ng ilang mga franchise na tindahan sa loob mismo ng ospital ?
Naku ha !
Totoo kaya ito ?
‘paano niya magagawa ang lahat ng ito kung walang mga kakutsaba sa loob mismo ng NKTI ?†tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘talagang sablay na yata ito sa matuwid na daan ni P. Noy !’ sabi ng kuwagong kasabwat.
Abangan.
Hagedorn 4 Senator
ISA sa mga tourist spot na pinaputok ng todo ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn, ay ang ‘Underground River.’ Kabilang ito sa ‘World’s Seven Wonders of Nature,’ dahil naalagaan ito ng maayos nina Mayor at kanyang mga alipores kaya naman dagsa sa ngayon ang mga foreiner na nagpupunta rito para makita ang kagandahan at kalinisan ng lugar.
Bukod dito, ipinatupad ni Hagerdorn sa buong Puerto Princessa ang pagbabawal at with matching penalties pa sa sino man magtatapon ng lahat ng uri ng basura na hindi ilalagay sa trash can kabilang ang upos ng yosi na ikinakalat lamang sa kalye,
Ilang matataas na opisyal sa gobierno ang pinagmulta sa Puerto Princessa dahil lamang sa pagkakalat.
Sabi nga, very strict na ipinatutupad ni Hagedorn ang mga bawal sa batas sa kanyang lugar.
Ika nga, walang palakasan.
Bakit ?
May ‘political will’ si Hagedorn,
Isa pang ayaw na ayaw ni Hagedorn ang pagsira sa kalikasan dahil anti-mining si Mayor !
Alam ninyo ba na ang Puerto princessa ay hindi gaanong kilalang munisipyo, noon araw ang kabuhayan ng madlang people rito pero ngayon ay isa na itong “world-class†na pilit na pinupuntahan ng mga terorista este mali turista pala.
Hindi tayo ang ‘public relation officer’ ni Hagedorn kundi hanga lang ako rito sa kanyang mga prinsipyo at political will .
‘ano pa ang inaantay ninyo madlang voter sa May 13 huwag na kayong pakaang-kaang pa iboto o isulat na sa balota ang pangalan Hagedorn for Senator !’
Luxury cars huli sa BOC
AYAW talagang ipasok ng mga smuggler sa kanilang ‘kokote’ na tumigil na sa pagpupuslit dahil hindi sila makakalusot habang naka-upo sa trono ng BOC si Customs Commissioner Ruffy Biazon.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inuuntog-utog na ngayon sa dingding ang ulo ng may- ari ng inismagel na McLaren, sports car 2012 model MP4 -12C from US of A, dahil huli ito sa Port of Manila,
Sabi ni Ruffy, mura lang naman ng McLaren P45 million lang naman kaya hayun kamot ng batok ang owner nito..
Isang Edgardo P. Reyes, ang consignee ng tsikot na sinalto sa POM pero last time 3 luxury hot cars ang huli ng Team Biazon habang tinatangka din itong ipuslit sa Port of Davao naman.
Ang mga sasakyan ay 2003 Mini Cooper , isang 2003 Nissan 350 Z at 2006 Range Rover SUV, naka-consigned sa Ranths General Merchandise ang mga tsikot..
Kaya sigurado ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasosa DOJ ang kakaharapin nila,
Abangan.