^

PSN Opinyon

Buenas si Donya Buding (2)­

ORA MISMO Butch M. Quejada - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

CONTINUATION ng mga tirada ni Donya Buding, alyas ‘butan­ding’ dyan sa NKTI.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  hindi ito kuwentong kutsero. dahil nakita nila mismo ang  ilang mga dokumento na kumpanya  na niya  ang mga ginamit sa  kinakailangan ng ospital.

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,   bumili raw ang ospital ng mga  mumurahing plastic container  na umabot sa P116,300. Puwedeng masabi na dahil bulto ang bili ay  pumasa ang ganoong halaga kahit walang bidding,  Ang problema ay  galing mismo sa kaniyang kumpanya ang mga container na ito. Medyo nahiya si Donya at binura n’ya  ‘yung isang resibo na nakalagay mismo ang kaniyang pangalan bilang proprietor ng kumpanya. Kaya lang nakapasok na sa record ng ospital at ngayon ay maari nang busisiin ng BIR.

Dahil  ang  mga  ganitong klaseng kalakaran ay nabiyayaan ng husto  si Donya Buding  tulad ng isang brand new at napakagandang  bahay sa Antipolo at  ilang mga condominium unit sa Quezon City.

Ika nga, tumipak !

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon may mga bago pa siyang negosyo sa NKTI dahil siya na rin ang humahawak   nung  “5-6” sa mga employee at  naging operator pa rin siya ng ilang mga  franchise na tindahan  sa loob mismo ng ospital ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

‘paano niya magagawa ang lahat ng ito kung walang mga kakutsaba sa loob mismo ng NKTI ?” tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘talagang sablay na yata ito sa matuwid na daan ni P. Noy !’ sabi ng kuwagong kasabwat.

Abangan.

Hagedorn 4 Senator

ISA sa mga tourist spot na pinaputok ng todo ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn, ay ang ‘Underground River.’ Kabilang ito sa ‘World’s Seven Wonders of Nature,’ dahil naalagaan ito ng maayos nina Mayor at kanyang mga alipores kaya naman dagsa sa ngayon ang mga foreiner na nagpupunta rito para makita ang kagandahan at kalinisan ng lugar.

Bukod dito, ipinatupad ni Hagerdorn sa buong Puerto Princessa ang pagbabawal at with matching penalties pa sa sino man magtatapon ng lahat ng uri ng basura na hindi ilalagay sa trash can kabilang ang upos ng yosi na ikinakalat lamang sa kalye,

Ilang matataas na opisyal sa gobierno ang pinagmulta sa Puerto Princessa dahil lamang sa pagkakalat.

Sabi nga, very strict na ipinatutupad ni Hagedorn ang mga bawal sa batas sa kanyang lugar.

Ika nga, walang palakasan.

Bakit ?

May ‘political will’ si Hagedorn,

Isa pang ayaw na ayaw ni Hagedorn ang pagsira sa kalikasan dahil anti-mining si Mayor !

Alam ninyo ba na ang Puerto princessa ay hindi gaanong kilalang munisipyo, noon araw ang kabuhayan ng madlang people rito pero ngayon ay isa na itong “world-class” na pilit na pinupuntahan ng mga terorista este mali turista pala.

Hindi tayo ang ‘public relation officer’ ni Hagedorn kundi hanga lang ako rito sa kanyang mga prinsipyo at political will .

‘ano pa ang inaantay ninyo madlang voter sa May 13 huwag na kayong pakaang-kaang pa iboto o isulat na sa balota ang pangalan Hagedorn  for Senator !’

Luxury cars huli sa BOC

AYAW talagang ipasok ng mga smuggler sa kanilang ‘kokote’ na tumigil na sa pagpupuslit dahil hindi sila makakalusot habang naka-upo sa trono ng BOC si Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inuuntog-utog na ngayon sa dingding ang ulo ng may- ari  ng inismagel na McLaren, sports car 2012 model MP4 -12C from US of A, dahil huli ito sa Port of Manila,

Sabi ni Ruffy, mura lang naman ng McLaren P45 million lang naman kaya hayun kamot ng batok ang owner nito..

Isang Edgardo P. Reyes, ang consignee ng tsikot na sinalto sa POM pero last time 3 luxury hot cars ang huli ng Team Biazon habang tinatangka din itong ipuslit sa Port of Davao naman.

Ang mga sasakyan ay 2003 Mini Cooper , isang  2003 Nissan 350 Z at 2006 Range Rover SUV, naka-consigned sa Ranths General Merchandise ang mga tsikot..

Kaya sigurado ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasosa DOJ ang kakaharapin nila,

Abangan.

DAHIL

HAGEDORN

MISMO

PUERTO PRINCESSA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with