Congressman, pumupunta sa Dubai kapag nami-miss ang kanyang boyfriend

ALAM n’yo bang nagpupunta sa Dubai ang isang congressman kapag namimiss ang kanyang boyfriend?

Ayon sa aking bubwit, marami na rin ang naging siyota ng kongresistang miyembro ng federacion subalit ang boyfriend niya sa Dubai ang kanyang flavor of the month ngayon.

Matikas at magandang lalaki kasi ang ka­baba-yan niyang nagtatrabaho sa Dubai kaya madalas niyang pasyalan. Ito ay nagtatraba­ho bilang theraphist sa isang hotel doon. Ac­­tually, si congressman pa ang gumastos sa kanyang boyfriend para makahanap ng trabaho sa abroad.

 Ayon pa sa aking bubwit, marami nang naging boyfriend si Congressman kabilang na ang mga batambatang scholar niya mismo.

Meron pang isang pulis na ipinagawa niya ng bahay sa kanilang probinsiya, pero mas naiibigan ngayon ‘yung nasa Dubai.  Kasi nakaka-addict umano ang masarap na masahe ng naturang guwapong theraphist.

Hindi baleng gumastos nang malaki si Congressman sa pagtungo sa Dubai dahil sulit na-man kapag nakapiling ang boyfriend. Meron nang masahe meron pang romansa.

Ang kongresistang madalas dumalaw sa kanyang boyfriend na theraphist sa Dubai ay si Cong. J.M. as in Jesus Mariajosep ng Southern Tagalog.

Show comments