MAYROON nang bagong Santo Papa sa katauhan ni Jorge Mario Bergoglio ng Buenos Aires, Argentina. Siya si Pope Francis ang ika-266th na Santo Papa at kauna-unahan mula sa Latin America. Kauna-unahan din sa mga Heswita. Ipanalangin natin siya.
* * *
Ngayong buwan ng tag-init ay paalaala sa atin ang sabi ng Panginoon kay Isaias: “Sa disyerto ako’y nagpabukal ng saganang tubig para may mainom ang aking hinirang. Sila’y nilalang ko at aking hinirang upang ako’y kanilang papurihanâ€. Para bang ang tag-init ay simbolo ng ating mga kasalanan, lalung-lalo na ang kasalanan sa laman. “Ang mga nabubuhay ayon sa laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos. Nguni’t hindi na kayo mamumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espirituâ€.
Marami sa atin na ang pawang nakikita ay mga kasa-lanan at kamalian ng iba. Mahilig tayong magsumbong ng kamalian ng kapwa. Pagnilayan natin ang sinabi ni Hesus sa mga Eskriba at Pariseo na nagnanais pukulin hanggang kamatayan ang babaeng nakiki-apid: “Sinuman sa inyo ang walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanyaâ€. Nang marinig ito, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Nagkameron ng katahimikan. Walang naiwan kundi si Hesus at ang babae. Sinabi ni Hesus: “Hindi rin kita parurusahan, humayo ka at huwag nang magkasalaâ€.
Tulad ng alibughang anak noong nakaraang isang linggo ay binigyan ni Hesus ang babae ng panibagong buhay-kabanalan. Ang unang sagot ni Hesus sa mga nang humusga ay katahimikan. Ang katahimikan ay isang pagninilay upang mapag-aralang mabuti ang tamang sagot na makatarungan. Kadalasan ang pabigla-biglang pagsagot
ay nagpapagulo sa katotohanan. Kaya’t ang sagot ni Hesus ay tumimo sa puso ng lahat na puno ng maliwanag na kasagutan na tayong lahat pala ay nagkasala. Magsisi tayo sa Panginoon. Ginagabayan tayo ni Hesus upang ipahayag ang kanyang awa sa atin, pag-ibig at kapatawaran. Malapit na naman ang Mahal na Araw. Ito sana’y maging tanda sa atin ng lubusang pagsisisi at pagpapatawad upang maipagdiwang natin ang kaarawan ng muling pagkabuhay.
Is43:16-21; Salmo125; Rom8:8-11 at Jn8:1-11
* * *
San Jose, ipanalangin po ninyo kami sa iyong kapistahan Marso 19. Binabati ko si Bp. Jose OliÂveros sa pagiging obispo noong March 20, 2000 at ang yumaong Cardinal Jose T. Sanchez sa kanyang kaarawan March 17.
Sumalangit ka nawa mahal kong obispo. SalaÂmat po sa pag orden mo sa akin bilang pari.