Dear Dr. Elicaño, matagal na po akong sumusubaybay sa iyong kolum dito sa Pilipino Star NGAYON at marami po akong nalaman na mahahalagang kaalaman ukol sa kalusugan at sa mga sakit na dapat iwasan upang humaba ang buhay. Nagpapasalamat ako at may column na gaya ng sa inyo. Isa sa gusto kong malaman ay ang pagkakaiba ng brain attacks sa heart attacks. Kasi po, ang pagkakaalam ko basta inatake ay sa puso lamang iyon. Pakipaliwanag naman po, Doctor.†— H. SANTOS, Marikina City
Maraming salamat sa iyong pagtitiwala.
Ang atake sa puso o ang “myocardial infarctions†ay kinapapalooban ng pagbigat at pagsakit ng dibdib na animo’y may nakadagan at magdudulot ng pagtigil ng tibok ng puso at maaaring ikamatay. Ang stroke o brain attack ay ang pagkamatay ng brain tissue na nagiging dahilan nang napakahinang daloy ng dugo at oxygen sa utak. Ang stroke ay tinatawag ding cerebrovascular accident at maaaring magdulot ng paralysis, disability at biglaang pagkamatay.
Ang atake sa puso ay isa sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy sa kasalukuyan subalit ayon sa pinakabagong report, nalalampasan na ng stroke ang atake sa puso. Marami nang nagkakaroon ng stroke hindi lamang sa Pilipinas kundi sa maraming panig ng mundo. Tumataas, ang bilang ng mga nagkakaroon ng stroke.
Para maiwasan ang heart at brain attacks, nararapat itigil ang paninigarilyo, magbawas ng timbang, uminom ng katamtamang alak lamang, mag-ehersisyo ng regular at umiwas sa mga mamantika at maaalat na pagkain. Kumunsulta lagi sa doctor at laging isaisip ang kaha-lagahan ng kalusugan.