NOONG nakaraang Marso 7, ginawaran sa 11th Gawad TANGLAW ang Pilipino Star NGAYON bilang “Newspaper of the Year†(Filipino). Ginanap ang awarding sa Colegio de San Juan de Letran Calamba, Laguna. Isang malaking karangalan ang mapiling pinaka-mahusay na pahayagan. Marami pong salamat sa inyong pagtitiwala.
Ang parangal ay eksakto naman sa pagdiriwang ng PSN ng ika-27 anibersaryo na ginugunita nga-yong araw na ito. Mahabang panahon na rin ang nilakbay ng PSN mula nang itatag noong Marso 17, 1986, isang buwan makaraang makalaya ang mamamayan sa diktadurya. Maraming pagsubok ang naranasan at nalampasan ng PSN. Dumanas nang maraming problema: Kahirapan, malalakas na bagyo, baha, habagat, tagtuyo, kaguluhan at kung anu-ano pang mga hadlang. Pero sa kabila ng mga ‘yan, narito pa rin at matatag ang PSN. Patuloy na naghahatid nang mga maiinit na balita, patas na komentaryo, mga kuwentong may kalidad, nakaaaliw at kapana-panabik na balitang showbiz at sports. Ipinagkakaloob ng PSN ang lahat nang makakaya para masiyahan ang mambabasa at ito ang susi kaya nangunguna ang PSN.
Ang pagiging No. 1 ng PSN ay hindi naman mangÂÂ yayari kung wala ang mga masusugid na mambabasa. Nang ilunsad ang pahayagang ito, marami ring pahayagan ang inilunsad. Nagkaroon ng kumpitensiya. Pero sa dakong huli, ang PSN pa rin ang natira at ang mga kakumpitensiya ay nagsitiklop na. Isang patunay na malakas ang suporta ng masa sa pahayagang ito. Marami pong salamat sa inyong pagtitiwala.
Hindi rin naman susulong ang PSN kung wala ang mga tagapagtaguyod na advertisers. Walang pahayagan na nagtagumpay kung wala ang suporta ng advertisers. Napaka-laki nang nagagawa ng advertisers para ganap na umunlad at lumaki ang pahayagan. Marami pong salamat sa pagtitiwala.
At sino ang makakalimot sa mga masisipag na newspaper agents at mga newsboy. Nakikita sa kalye ang PSN dahil sa kanila. Kahit na bumabagyo at bumabaha, nariyan sila para ihatid ang PSN. Walang hanggan ang aming pagtanaw ng utang na loob sa inyo. Hindi namin ito malilimutan.
Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Iingatan namin ito.