MALAPIT na ang midterm elections pero natataon na sangkaterbang problema ang dinaranas ng ating bansa na kailangang pagtuunan ng prioridad ng ating Presidente.
Una ay ang problema sa Sabah na pilit binabawi ng sultanato ng Sulu at dahil dito’y umaasim ang relasyong diplomatiko ng Pilipinas sa Malaysia. Minamaltrato na umano ng mga Malaysians ang mga Pilipinong naroroon dahil sa isolated case sa Sabah. Marami na rin ang napapatay sa mga tauhan ni Sultan Jamalul Kiram III na nakikipaglaban sa mga puwersang Malaysian sa pinagtatalunang lugar.
Nandidiyan din ang problema ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na takdang bitayin dahil sa pagpatay sa isang kasamahan sa trabaho sa Saudi Arabia. Ang kailangan ay makalikom ng P44 milyong blood money para hindi matuloy ang bitay pero hangga ngayo’y hindi pa natin nalilikom.
Sa harap ng mga matitinding problema, hindi naman maiwasan ng Pangulong Aquino ang pangangampanya sa kanyang mga kandidato sa Team P-Noy. Dahil dito’y napipintasan siya ng kanyang mga detractors na hindi niya ginagawang prioridad ang mga mas matinding problema ng bansa.
Anang isang mambabatas sa Mababang Kapulu-ngan, dapat daw ihinto ng Pangulong Noynoy ang panga ngampanya. Aniya, pagtuunan muna ng pansin ang kaguluhan sa Sabah, Malaysia. Ani House Minority Leader Danilo Suarez, imbes na mangampanya, pakikiramay muna ang dapat ipaabot ng pangulo sa mga pamilya ng mga Filipino na nasawi sa nasabing bansa. Kung hindi naman umano mapipigilan sa pangangampanya ang pangulo ay dapat ipaliwanag nito sa mga tao kung ano ang tunay na nangyayari at ang kanyang hakbang upang maprotektahan ang mga Pinoy sa Sabah.
Ayon naman kay House Assistant Minority leader Martin RomoulÂdez, dapat ding itigil ng administrasyon ang imbestigasyon kung mayroong sabwaÂtan kay Sultan Jamalul Kiram III at kay da-ting pangulong Gloria Arroyo at Boy Saycon.
Iyan din ang napansin ko. Para bang lahat ng sumusulpot na isyu ay binabahiran ng politika.