PAMOSONG awitin ngayon ang “Pusong Bato.â€
Laging naririnig sa radyo at paboritong kantahin sa mga videoke bars. Pasintabi sa songwriter pero konting retoke sa lyrics nito ay maaangkop ito kay Sen. Aquilino “Koko†Pimentel III: Subukang awitin ang mga susunod na linya sa himig ng Pusong Bato:
“Nang siya’y kumandidato mundo niya’y biglang nagbago, akala niya ay langit yon pala’y sakit ng ulo. Buhat nang siya’y dayain, hindi siya makakain at di rin makatulog si Koko.†O di ba?
Galit pa rin si Koko kay dating Senador Migz Zubiri. Ayaw niya itong makasama sa senatorial ticket ng United Nationalist Alliance (UNA) kaya pumanig sa Team P-Noy. Ito’y dahil sa sinasabing pandaraya ni Migz laban kay Koko. Hindi pa rin mapanatag si Koko gayung sa dakong huli’y nakaupo rin siya bilang Senador nang magbitiw si Zubiri.
Nakikiusap si Zubiri na tigilan na ni Koko ang pag-atake at paninira sa kanya. Halos manikluhod si Migz sa harapan ni Koko na tumatakbo ngayon sa ilalim ng Team Pinoy ni President Aquino. Ayaw paawat ni Koko. Iyan mismo ang dahilan kung bakit nilayasan niya ang UNA kahit na kaanib dito ang partidong PDP-Laban na siya pa nga ang presidente.
Aminado naman si Zubiri na tila nga nakinabang siya sa dayaan sa ilang lugar sa Mindanao noong 2007 elections. Gayunman, nilinaw niya na wala siyang nalalaman at wala partisipasyon sa anomalya. Ginawa lang aniya ito ng mga taong ibig panalunin ang mga kandidato ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo.
Out of delicadeza ay nag-resign si Zubiri bilang Senador noong Agosto 3, 2001 upang bigyang-daan ang pag-upo ni Koko.
Subalit hindi humuhupa ang poot sa dibdib ni Koko. Hindi niya pinakinggan ang pakiusap ni PDP-Laban chairman at Bise Presidente Jojo Binay na huwag siyang lumipat sa Team Pinoy. At kahit ninong niya si dating Presidente Erap Estrada, naging bingi din sa hiling nito na pansamantala niyang isantabi ang alitan nila ni Zubiri at pumayag siyang magkasama sila sa ticket ng UNA.
Kaya tuloy, ang lumaÂlabas na imahe ngayon ni Koko sa publiko ay isang taong walang pang-unawa at hindi marunong magpatawad. Isang taong matigas ang damdamin at pinapanaig ang pagiging pusong bato.