H’wag magpalinlang
MATINDI ang politika sa Pasay City. Walang puknat ang pagkakalat ng mga maling impormasyon ng da-ting kaibigan ni Mayor Antonio Calixto. Ngunit kung ang mga taga-Pasay ang tatanungin, mas kampante sila sa pamamalakad ni Calixto matapos na maiahon ang taguring “Sin City†na maging “Travel Cityâ€. Sa katunayan kaliwa’t kanan ang construction ng mga gusali, patunay lamang ito na maraming investor ang gustong magtayo ng kanilang negosyo sa Pasay. Nabawasan kasi ang paglipana ng mga kriminal sa kalye matapos ikumpas ni Calixto ang kanyang kamay na bakal sa mga pulis. At dahil sa pagyabong ng ekonomiya tumaas ang koleksiyon ng buwis ng lungsod at nabigyan ng hanapbuhay ang mga mahihirap na mamamayan. Noong 2011, umabot sa P279 million na infrastructure project ang naisakatuparan ni Calixto. Umabot sa P203 million ang naituon sa drainage improvements samantalang P76 million naman ang nailaan para sa pagsasaayos at paglikha ng mga bagong istruktura at iba pang engineering projects. Kasi noon pa man umihi lamang ang palaka tiyak na lubog na ang Pasay dahil hindi napag-ukulan ng mga dating mayor ang pagsasaayos ng drainage systems kaya madaling bahain, subalit ngayon na unti-unti nang napag-ukulan ni Calixto ng pansin, marami na ang gustong sumira sa kanyang kridibilidad. Kung sabagay hindi naman ito maipagkaila sa mga taga-Pasay dahil nga sa sobrang pulitika naging mabagal ang pag-unlad noon. Ngunit ngayon na pursigido si Calixto na maiahon sa kahirapan ang mga kababayan pilit naman siyang inilulubog ng kanyang mga makakatunggali sa darating na May 13 election.
Subalit kahit na ano pang “dirty tactics†ng mga kalaban ni Calixto patuloy pa rin ang kanyang programa at sa kasalukuyan may kabuuang 4,877 informal settler families ang nakatanggap ng mga bahay mula sa iba’t ibang mga programa ng pamahalaang lungsod. At upang maiangat ang kalidad ng edukasyon ng lungsod pinursige ni Calixto na maipatayo ang Pasay City West High School (PCWHS); Four-story School Building na may walong silid aralan sa P. Burgos Elementary School (PBES); at isang four-story school building sa Don Carlos Elementary School (DCES) kung saan may mga silid-aralan, canteen, library, practice house, faculty room, conference room at principal’s office. At hindi lamang iyan mga suki, dahil nakatakda rin na inagurahan ni Calixto ang isang paaralan sa Maricaban na tatawaging Corazon Aquino High School (CAHS) na may apat na palapag na gusali. Ang nasabing proyekto ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng Special Education Fund ng Pasay City School Board. Kaya ang payo ko mga suki, huwag kayong magpapadala sa mga panlilinlang na propaganda ng mga kandidato, alamin muna ang pruweba bago maniwala. Abangan!
- Latest