^

PSN Opinyon

Editoryal - Ganti ng nalinlang na investor

Pilipino Star Ngayon

INILALAGAY na ng mga nalinlang na investor ng pyramiding scam sa kanilang kamay ang paniningil sa nanloko sa kanila. At matindi ang style ng paniningil na ginagawa. Kinikidnap nila ang kaanak nang nanlinlang sa kanila at pinatutubos sa malaking halaga. Nakapangingilabot ang banta ng kidnappers sapagkat pagpuputul-putulin ang katawan ng kaanak na kinidnap kapag hindi naibigay ang ransom. Mabigat ang banta at hindi nagbibiro ang mga kidnapper.

Ganito ang nangyari sa kaanak ni Jachob “Coco” Rasuman ang nagtatag ng investment scheme o pyramiding scam sa Lanao del Sur na nanlinlang nang maraming investors. Multi-bilyong piso umano ang halaga ng naitakbo ni Rasuman sa investors.

Kinidnap noong Sabado si Henry Khalid Toma­wis, bayaw ni Rasuman nang may 20 armadong lalaki sa Bgy. Payawan, Baloi, Lanao del Norte dakong alas tres ng hapon. Nakasakay umano si Tomawis sa kanyang bagong Mitsubishi Montero nang harangin ng grupo. Natagpuan nang mga pulis ang sasakyan ni Tomawis. Ayon sa PNP, humihingi ng P300-milyon ang mga kidnappers. Nagbanta na kapag hindi naibigay ang ransom, papatayin nila si Tomawis.

Malaki ang kaugnayan ng scam ni Rasuman sa pagdukot sa kanyang bayaw. Umano’y isang galit na galit na investor ang nasa likod ng pagdukot. Ito ay dahil sa kabiguan ni Rasuman na maibigay ang pera ng mga investors noong Pebrero 28. Nangako si Rasuman na ibabalik ang pera ng investors subalit hindi niya natupad ang pangako. Iyon ang dahilan kaya “inilagay” na ng investor sa kanyang kamay ang pagganti. Ang masakit, kaanak ni Rasuman ang nagdurusa.

Umano’y mas malaki pa ang natangay ni Rasuman kaysa sa natangay ni Manuel Amalilio ng Aman Futures Group Investment. Si Amalilio ay nakapagtakbo ng P12-bilyon mula sa kanyang 15,000 investors. Marami rin sa investors ng Aman ang nagsisisi kung bakit inilagay nila ang kanilang lifetime savings sa Aman. Nasa Malaysia si Amalilio at hindi malaman kung kailan mapapabalik sa bansa.

Maaaring ang nangyari sa kaanak ni Rasuman ay sapitin din ng kaanak ni Amalilio kung hindi pa sila mababayaran. Masyadong desperado na ang mga nalinlang. Makagawa naman sana ng hakbang ang pamahalaan para sa kapakanan ng mga nalinlang para hindi na lumubha ang problema.

vuukle comment

AMALILIO

AMAN

AMAN FUTURES GROUP INVESTMENT

HENRY KHALID TOMA

LANAO

MANUEL AMALILIO

RASUMAN

TOMAWIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with