Sa kagustuhan mong takpan ang maliit na problema, gumamit ka ng paraan na nagdulot ng gabundok na suliranin, tuloy ikaw ngayon ay nahigop sa isang kumunoy.
Isang maliit na aksidente ng mga sasakyan ang pinagmulan ng pasakit ngayon ni Danilo S. Ferrer — 58-anyos ng Dasmariñas, Cavite. Hulyo 10, 2009, bandang alas-5 ng hapon, namamasada siya ng dyip na biyaheng Dasmariñas patungong Imus.
Nung makarating siya sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Anabu 2-A biglang bumagal ang takbo ng trapiko. Pagtapat niya sa may panulukan ng Imus Metro Junkshop, isang motor ang dumikit sa gawing kaliwa niya.
Walang dalawang lingon ay namukhaan niya ang nagmamaneho nito na si Jun Babaisan Palmero ng Bayan Luma II, Imus, Cavite.
“Tang-@$# mo!,†madiin na bigkas kasabay ng pagtutok ng baril sa tapat ng leeg ni Danilo.
Nanlabo ang pagkakatingin ni Danilo sa kanyang manibela.
“Teka pare!?†sabi ni Danilo. Hindi pa man nakakasambit ng susunod na mga salita si Danilo, kinalabit na ni Jun ang gatilyo ng baril.
Inangat niya ang kanyang mga balikat para iharang sa kanyang mukha ang kanyang braso, ngunit hindi pumutok ang baril.
Sinubukan pang kalabitin ulit ni Jun ng dalawang beses ang gatilyo ngunit hindi pa rin ito pumutok kaya’t umarangkada ng alis na itong si Jun.
Mabilis na itinabi ni Danilo ang kanyang dyip at agad hinanap kung saan lumusot si Jun.
Pagbaba niya, dalawang putok ng baril mula sa isang lalaking hindi niya nakilala ang direktang tumama sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg.
Sinadyang isubasob ni Danilo ang kanyang sarili sa estribo at nagpanggap na patay na ngunit nagpahabol pa ng isang putok ang lalaki na tumama sa kanyang likuran, bago sila sumibat.
Agad pumara sa isang kakilalang drayber na nadaanan si Danilo at nagpahatid sa Our Lady of Pillars Medical Center para magpagamot.
Nakaligtas si Danilo sa tangkang pagpatay sa kanya nung hapong iyon. Wala siyang ibang motibo na nakikita na pagmumulan nito kung hindi ang nakabinbin na kasong kanyang isinampa kay Jun apat na taon nang nakakaraan.
Nobyembre 9, 2005, nang kasuhan niya ng “Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Homicide and damage to property†itong si Jun. Oktubre 23, 2005 nung maganap ang banggaan sa pagitan ng minamanehong dyip ni Jun at Danilo at isang pribadong sasakyan.
Anim na katao ang sugatan kabilang si Danilo. Gusto niyang manindigang kapabayaan ni Jun ang nagbunsod ng pinsala sa kanila kaya naghain siya ng demanda.
Nagkaroon ng kasunduan (“amicable settlementâ€) kung saan pinagbabayad itong si Jun ng 500Php kada buwan hanggang sa mabuo ang halagang 78,000Php para sa pagpapagawa ng saÂsakyan (“damage to propertyâ€).
Hulyo 22, 2009 nagsampa si Danilo ng reklamong “Frustrated Murder†laban kay Jun at sa hindi nakilalang kasama nito (“John Doeâ€).
Nakitaan ng “probable cause†ng taga-usig ang reklamong ito dahil ang mga tama ni Danilo ay sa leeg at likod na kinukonsiderang “fatal areasâ€. Ito ay nagpapatunay na may intensyon nga na patayin siya (“intent to killâ€) na hinahanap na elemento sa kasong Murder.
May iba pang mga elementong makikita para ito’y pumasok sa kasong Nabigong pagpatay o “Frustrated Murderâ€.
Una, malinaw na planado (mayroong “premeditationâ€) at pinag-isipan ang krimeng ito. Inabangan ang suspek at nung magmintis ang baril ni Jun, may kasama siyang ’di kilalang tao na kasabwat niya.
Ang paggamit nila ng motor ay isa sa mga makikitang “aggraÂvating circumstance†dahil ito ang kanilang sinakyan upang maisagawa ang kanilang pakay at nung matapos ay ginamit din upang sila’y makatakas mula sa pinangyarihan ng krimen (“getÂaway vehicleâ€).
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang dalawa kaya’t nagdesisyon si Danilo at ang kanyang asawang si Aurora na lumapit sa aming tanggapan upang ipanawagan na kung sinuman ang maaring makapagturo sa kinaroroonan ng dalawang suspek ay ipagbigay-alam sa aming opisina.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kwentong ito ni Danilo.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa kagustuhan ni Jun na makawala sa kanyang obligasyon na pagbabayad buwan-buwan kaya’t naisipan niya ang isang marahas na solusyon para tuldukan na ito.
Ayos na sana ang unang kaso ni Jun dahil sa kanilang kasunduan, pero sa ginawa niyang ito ay para siyang nagbukas ng isang latang puno ng uod na kakain sa kanyang isipan at hindi siya patatahimikin dahil mabigat ang katapat na parusa nito. Kapag napatunayan na siya nga ang may sala, pasok siya sa rehas na bakal!
Sa mga nakakaalam ng kinaÂroroonan ng suspek na si Jun Babaisan Palmero, narito ang kanyang larawan.
At sa mga nakakakilala sa kanyang kasama ay maari kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)
Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.
Email: tocal13@yahoo.com