DALAWAMPU’t pitong taon na ang nakalilipas sapul nang matuldukan ang mahigit sa 20-taong diktaduryang Marcos.
Naging guest panelist ako sa programang Diyos at Bayan na halinhinang ipinalabas sa GMA 7 at GMA News TV-11 at iyan ang paksang tinalakay.
Wala kasi ang pirmihang host ng programa na si Bro. Eddie Villanueva na bawal na palang magsolo-flight sa telebisyon dahil tumatakbo sa pagka-senador sa bandila ng Bangon Pilipinas kaya inimbitahan ako ni Kata Inocencio na maka-tandem niya.
Ang mga panauhing resource persons ay si Caloocan Bishop Deogracias Yniquez at ang Commissioner na gumawa ng preparasyon sa pagdiriwang na si dating DILG Secretary Cesar Sarino. Ang paksang diwa ng pagdiriwang ay: “Abot Tanaw na.â€
Abot tanaw na ang alin? Tanong ko kay Commissioner Sarino. Of course alam natin na ang tinutukoy ko ay ang inaasam na reporma sa ating lipunan subalit ito’y pa-kantiyaw kong naitanong dahil tila magulo pa rin sa ating bayan at walang unity. Gaya nga ng sinabi kamakailan ni dating pangulong Fidel Ramos, malaon nang wala ang diktador pero naririyan pa rin sa gobyerno ang bata-bata system o cronyism.
Subalit nagkakaisa kami ng mga guest resource persons na sadyang hindi madaling abutin ang inaasam na pagbabago matapos ang mahabang panahon ng diktadurya na sumupil sa basic rights ng mga mamamayan.
Sa kabila nito’y hindi puwedeng maliitin ang halaga ng EDSA sabihin man ng iba na mas mukhang may kaayusan noong panahon ni Marcos. Hindi matutumbasan ng diwa ng tunay na demokrasya ang kaayusang resulta ng paniniil.
Sabi nga ni Thomas Jefferson: “Kapag ang tao ay takot sa gobyerno, mayroÂong panunupil pero kung ang gobyerno ang takot sa tao, ito’y isang kalayaan.â€
Ang kailangan lamang talaga ay maging politiÂcally mature na ang baÂwat Pinoy at magkaroon ng iisang adhikain para maabot na natin ang malaÂon nang inaasam na pagbabago. Panatilihin nating buhay ang diwa ng EDSA na may kinalaman sa pagkakapit bisig at pagkakaisa ng mamamayan tungo sa tamang direksyon ng pag-unlad.