^

PSN Opinyon

Marinduque-Baguio field trip?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANO ang ginawa ng mga estudyante ng Marinduque  State College sa Baguio City? Ano ang meron sa Baguio City na may kabuluhan sa kanilang edukasyon? Malamig na simoy ng hangin? Bakit gabi bumiyahe ang bus pauwi? Pito ang namatay nang bumangga ang bus sa kasalubong na trak. Binangga pa sila sa likod ng isa pang trak, kaya naipit ang mga biktima. May mga tumilapon pa! Dalawang estudyante, dalawang guro, isang relyebong drayber at isang tour guide ang namatay agad. Ang isa ay namatay sa ospital.

Ayon pa sa imbestigasyon, hindi awtorisado ang ahensiya at bus na magsagawa ng field trip! Ang bus na sakay ng mga estudyante ay napakabilis ng takbo pababa, ayon sa drayber ng trak na binangga. Baka hindi raw gamay ng drayber ang kalsada kaya hindi handa sa bilis. Noong una, nawalan daw ng preno kaya nabangga. Pero matapos makausap ang ilang mga testigo at sangkot mismo sa aksidente, hindi raw iyon ang dahilan. Sa madaling salita, lumalabas na kasalanan ng drayber.

Kailan lang ay dalawang estudyante ang namatay rin matapos maipit ng bus nang biglang umatras habang walang drayber. Field trip din ng mga estudyante. Kaya dapat talagang pag-aralan at baguhin ang mga patakaran hinggil sa field trip ng mga paaralan. Kailangan makabuluhan sa edukasyon ng mga mag-aaral ang pakay ng field trip, at hindi pasyal lang. Kailangan may takdang layo lang mula sa paaralan na puwedeng dalhin ang mga estud-yante. At kailangan sertipikado ng LTO, DOTC, DepEd at CHED ang ahensiya, drayber at bus na sasakyan ng mga estudyante. Responsibilidad ng ahensiya at drayber ang lahat ng sakay nila. Dapat hindi nila nilalagay sa peligro ang mga sakay nilang estudyante.

Mali ang drayber ng bus sa nasabing aksidente. Malinaw na hindi niya ka­bisado at tantiyado ang mga paliku-likong kalsa­da ng Baguio, pati na ang bilis ng pagbaba nito. Kung preno na naman ang idadahilan, na gasgas na gasgas na, may pananagutan din ang kompanya dahil hindi maganda ang pag-aalaga sa kanilang sasakyan. Hindi nila dapat ginagamit sa field trip na malayong biyahe. Pitong tao ang namatay dahil sa kanilang pagkakamali. Ngayon, pananagutin sila ng school.

ANO

BAGUIO CITY

BUS

DRAYBER

ESTUDYANTE

KAILANGAN

STATE COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with