KUMAWAY… lumabas at nakipag-usap… maya-maya sa kamay ng mga Mutawa (tawag sa pulis sa Gitnang Silangan) na bumagsak.
Sa isang kawag lang daw ng kamay, nadakip ang isang Pinay-Worker sa Abu Dhabi.
Siya si Carmina Neri mas kilala sa tawag na “Minaâ€, 44 na taong gulang.
“Basta tumawag na lang sa akin ang kasamahan niya sa Abu Dhabi… nakakulong na raw ang misis ko matapos lang kawayan ang isang Pakistani,†kuwento ni ‘Mario’.
Nagsadya sa aming tanggapan ang mister ni Mina na si Mario Neri, 55 anyos. Inihihingi niya ng tulong ang asawang apat na taon ng Domestic Helper sa among si Faisal Jumaa Ali Rabeea Ali.
Taong 1983 pa kinasal sina Mario at Mina. Nagkaroon sila ng tatlong anak.
Ang panganay nilang si ‘Mark’ ay isang ‘epileptic’. Ang pangalawang anak naman nila may sarili ng pamilya. Habang 13 taong gulang pa lang ang kanilang bunso.
Hindi naging madali ang buhay nila Mario. Ilang buwan pa lang siyang nagtrabaho bilang isang janitor, huminto rin siya matapos magkasakit sa baga.
“May tubig ang baga ko, binutasan ako sa tagiliran. Mula nun hindi na ako nakapaghanap-buhay,†ayon kay Mario.
Pumasok si Mina sa imprentahan ng papel para mabuhay ang pamilya. Hindi sumasapat ang kita ni Mina kaya’t tumulong na lang silang mag-asawa sa negosyo ng kamag-anak. Ang paggawa at paglalako ng puto’t kutsinta.
“Mahirap ang buhay pero naitatawid naman,†anya ni Mario.
Ang kinikita sa paglalako na aabot lang sa Php50 hangang Php100 sapat lang pambili ng bigas nilang mag-anak.
Sa ganitong paraan namuhay ang pamilya Neri sa mahabang panahon. Hangang nitong taong 2009, nagdesisyon si Mina na magtrabaho sa ibang bansa. Sa Abu Dhabi.
Tutol man si Mario nung una, ani niya, “Baka sakaling guminhawa kami… baka suwertehin!â€
Abril ng parehong taon, nakaalis ng Pinas si Mina. Tatlo silang DH na naglilinis sa isang malaking bahay na isang dosena raw ang kuwarto. May apat din siyang alaga doon.
Halagang Php8,000 kada buwan ang pinapadala ni Mina sa kanyang mag-aama. Hindi pa rin daw sasapat pambili ng gamot ng kanilang panganay kaya’t una pa lang pinauwi na ni Mario ang misis.
“Ma… dito ka na lang sa Pinas. Makakagawa naman tayo ng paraan para kumita. Hindi ka pa malayo sa amin,†pakiusap ni Mario.
Dalawang taon ang kontratang pinirmahan ni Mina sa Abu Dhabi kaya’t giit ng misis, tatapusin na lang niya ang dalawang taon.
March 2011, nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Mina subalit na-‘extend’ ang kanyang kontrata. Buwan ng Setyembre ng parehong taon pa siya nakapagbakasyon. Inakala ni Mario na hindi na lalabas pa ng bansa si Mina subalit bitbit na niya ang ‘plane ticket’ pabalik ng Abu Dhabi.
“Wala na akong magawa. ‘Pag dito raw kasi siya namalagi mas kakapusin kami,†pahayag ni Mario.
Oktubre 2011, bumalik ng Abu Dhabi si Mina. Sa mga tawag at ‘text messages’ na lang ulit nakausap ni Mario ang asawa.
Ika-18 ng Enero 2013, tumawag si Mina gamit ang kanyang cell phone. Nagulat si Mario ng boses kasamahan ng asawang si Evelyn Agustin ang kanyang narinig. “Kuya si Ate Mina… nahuli ng mga mutawa…†panimula raw nito.
“Huh! Bakit?†tanong ni Mario.
Walang nagawa si Mario kundi umiyak. Gusto niyang sumaklolo sa asawa subalit milya-milya ang layo niya kay Mina.
Napag-alaman ni Mario sa pakikipag-usap kay Evelyn na lumabas ng bahay si Mina ganap na 4:00 ng umaga. Kinawayan daw niya ang isang lalaking ‘Pakistani National’ lumapit at kinausap ito. Nakita raw siya ng kanyang amo. Bigla na lang daw itong nagtawag ng pulis at agad siyang pinadakip. Sa kulungan ang bagsak ni Mina.
Walang malinaw na dahilan kung anong tunay na nangyari. Ilang araw makalipas, ika- 28 ng Enero 2013, tumawag si Mina gamit ang ibang numero.
“Papa, nandito ako… nakakulong. ‘Di ko alam kung anong ikakaso sa akin… Tulungan mo ako papa!†pakiusap ni Mina sabay baba ng telepono.
Naikwento raw ni Evelyn na kinasuhan umano si Mina ng amo ng pagnanakaw ng alahas at pagkain.
Bagay na ‘di pinaniwalaan ni Mario, “Sampung libo nga lang ang pinakamalaking padala ng asawa ko sa isang buwan. Ang dalawang libo run utang pa sa mga kasamahan niya!†ani Mario.
Sa ngayon, hindi malamam ni Mario kung saan nakakulong si Mina. Hindi rin naman magawang bisitahin ng mga kasamahan si Mina dahil umiiwas silang madamay sa kaso. Ito ang dahilan ng pagpunta sa amin ni Mario.
Itinampok namin siya CALVENTO FILES sa radyo. Ang “Hustisya Para
Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
Para lubusang matulungan si Mina, kinapunayam namin sa radyo si Usec.
Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) at pinarating ang pinagdadaanan ni Mina sa Abu Dhabi. Pina-‘email’ ni Usec. Seguis lahat ng impormasyon tungkol kay Mina para iparating sa ating ‘consul general’ sa embahada ng Abu Dhabi.
Ika-13 ng Pebrero nakatanggap kami ng ‘email’ galing sa Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary H.E Ms. Grace R. Princesa.
Base sa ‘email’: Ms. Neri was at court when I visited Al Wathba Central Jail yesterday. According to her cell mate, a fellow Filipina kasambahay made up the story about finding her with a Pakistani in her room. Well ask taps to visit again next week for an update on her status.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ayon naman pala! Hindi lang pala kawag ng kamay. Meron pa lang nagsumbong na isang kasamahan niya na Pilipina na may nahuling Pakistani sa kuwarto niya. Isang bagay na itinatanggi naman ni Mina.
Nangako naman ang ating embahada na babalikan nila si Mina para tignan kung paano siya matutulungan. Ano man ang maging resulta ng kasong ito, aming ibabalita sa inyo.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166 (Chen)/ 09198972854 (Monique) 09213784392 (Pauline). Tumawag sa 6387285 at 24/7 7104038. Maari din kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami Lunes-Biyernes.
Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com