DISQUALIFY! Ang Digitext Asia et al, ang lowest bidder sa katatapos na subastahan sa Department of Transportation and Communication noon 2012 para sa P8.2 billion Land Transportation Office Information Technology project.
Ang Digitext Asia et al, na sana ang papalit sa napasong kontrata ng STRADCOM kaya lang ang problema ay nilaglag ito ng sinasabing DOTC ‘mafia.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang mga buwitre ang tinaguriang DOTC ‘mafia’ na naghihintay na parang mga linta sa mga malalaking kontrata ng DOTC para makorner nila ang billion of pesos contract dito. Take note, Pangulong Noynoy Aquino, Your Excellency !
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nilampaso ng Digitext Asia et al, ang dalawa nitong kalaban sa DOTC bidding kaya ito ang tinanghal na lowest bidder sa pasubasta ng ahensiya para sa LTO - IT project, dahil mababa ng P1.5 billion sa bid price ang una na may P3.8 billion lamang samantala ang Fritz and Mazcoil ay P5.3 billion ang bid at ang Eurolink naman ay may P5.8 billion.
Sabi nga, sa P3.8 billion bid price ng Digitext Asia et al ay makakatipid ang gobierno ni P. Noy ng P1.5 billion.
Tumpak !
Ano ang nangyari ?
Nilaglag ng mga opisyal diyan sa DOTC ang alok ng Digitext Asia et al dahil hinanapan ito ng butas para ma-disqualify kesyo walang itong ‘barangay clearance’ para sa business permit.
Sabi nga, ang babaw !
Puede ka bang mag-negosyo ng wala kang business permit gago ba ang Digitext Asia et al na papasok sa multi-billion project ng wala silang business permit ?
Hay naku mga DOTC mafia bilang na ang mga araw ninyo dahil masiado na kayong perwisyo kaya tuloy ang mga gustong mag-invest sa Philippines my Philippines ay nawawala dahil sa kagaguhan ninyo.
‘siguro kailangan mabusisi ang kasong ito?’ sabi ng kuwagong mahilig sa salapi.
‘nagkabayaran diyan at may sinasabi pang ‘for campaign fund’ pa raw ang inilagay ng isang kamoteng company para mawala ang Digitext Asia et al at mabura sa listahan’ sabi ng kuwagong manggagantso.
Abangan.
Moral reform sundot ni Biazon sa BOC
HIGPIT sinturon para labanan ang mga smuggler sa Bureau of Customs kaya naman natutuwa si Customs Commissioner Ruffy Biazon sa kanyang mga tauhan dahil suportado sila sa isinasagawang kampanya ng una para masugpo ang mga sindikato at gumanda ang imahe nila sa madlang people ng Philippines my Philippines.
Alam naman na madlang people na isa sa pinaka-kurap na ahensiya ng gobierno sa Philippines my Philippines, ang Bureau of Customs kundi man topnotcher ito hindi naman ito magpapahuli.
Sabi nga, kadalasan nasa una o pangalawa. Hehehe !
Ayon kay Biazon, nagpapasalamat siya sa kanyang mga tauhan dahil sa tiwala at pakikiisa sa ‘tuwid na daan’ na ipinakikita ng mga ito.
Dahil sa pangyayaring ito sinabi ni Biazon sa ika - 111 anibersaryo ng Customs na ginawa sa Cebu City na iisa-isahin niya ang mga gadget sa bureau para maging hi-tech dahil simula aniya ngayon ay imo-modernized niya ang aÂduana para maging panlaban sa mga smuggler at matiktikan na rin ang mga kasabwat nito sa BOC.
Tiniyak ni Biazon, na aayusin lamang niya ng todo ang bureau dahil hindi lamang ang BOC ang imo-modernized kundi ang lahat ng sangay ng gobierno.
‘basta magkaroon lamang ng moral reform sa atin tiyak malaki ang silbi ng modernization sa ating tanggapan.’ sabi ni Biazon.
Abangan.