HINDI na dapat lumayo pa si CIDG director Chief Supt. Francisco Uyami Jr. para linisin ang pangalan ng opisina niya. Ituon lang niya ang mga mata kay Lito Guerra at may accomplishment na siya. Si Guerra mga suki ang kolektor ng lingguhang intelihensiya ng CIDG sa Calabarzon area. Kahit no take policy ang CIDG kuno noong panahon ni Sr. Supt. Rhodel Sermonia, tuloy ang ikot ni Guerra. Kaya si Guerra ang dapat unahing i-entrap ni Uyami at tiyak isisigaw niya ang pangalan ni Sermonia. Get’s mo General Uyami Sir?
Para maitago ang pangalan niya, ang gamit ni Guerra sa Batangas ay si SPO1 Willy Maligaya, si Mike Viscocho sa Laguna at sa Cavite si Alyas Randy, na driver at pamangkin ni Guerra.
Kung sabagay, hindi lang si Guerra ang nangongoÂlekta sa Calabarzon Interior Sec. Mar Roxas Sir kundi maging ang tropa ni Dodjie Lasierda, na ang gamit naman ay ang opisina ni PRO4-A director Chief Supt. Benito Estipona. Ang mga bataan naman ni Lasierda ay sina PO3 Nestor Violan ng Bacoor PNP sa Cavite, ret. SPO4 Dave Abcede at Florence Manimtim sa Batangas at alyas Nano na bata ng pulis na alyas Rudy sa Rizal at si Dodjie mismo sa Laguna. Kaya dapat iutos din ng kababayan kong si Secretary Roxas ang pag-entrap sa tropa ni Lasierda para matapos na ang maliligayang araw nila, di ba Colonel Reyes Sir?
Para sa kaalaman ni Roxas ang kinokolektahan ng mga tropa nina Lasierda at Guerra sa Laguna ay ang mga bookies ng STL nina Tose at Ka Gener sa San Pablo City; Totoy Haruta sa Alaminos; Sgt. Karatihan sa Calauan; Joel C sa Victoria at Sta. Maria; sa Sta. Cruz si Umbay; sa Pagsanjan kay Rambo; sa Bay ang kay Edwin; sa Los Baños kay Lorenz; sa Calamba 1 at Cabuyao kay Tita Dinglasan; sa Sta. Rosa kay Sgt. Kapatiran at Benilda; kay Engr. Edu sa Biñan; kay Tose at Joe Olivarez sa San Pedro, at kay alyas Gil sa Calamba 2. Ang video karera sa San Pablo City ay kina Kon Dante at Abel Marquez, sa Sta. Cruz kay Umbay ang VK at perya-han at kay Dasu ang VK sa Biñan at kay Funny ang perya sa Calamba saÂÂmantalang ang sakla sa Los Baños ay kay alÂyas Wik. Hayan ang dami mong magamit sa entrapment operation SeÂcretary Roxas Sir.
Sa Rizal naman ang lotteng at VK sa Antipolo City ay kay Bong Sola; at ang VK sa Taytay ay kay Diony. Ang perya naman sa Binangonan ay kay Lolong; sa Taytay kay Allan; sa Morong ang kay Junjun; at sa Cainta kay Nelma.
Paano ngayon masa-sabi ng tropa nina Lasierda at Guerra na sarado ang pasugalan sa Calabarzon? Kapag nahuli sa bitag nina Secretary Roxas at Ge-neral Uyami ang tropa nina Lasierda at Guerra baka maniwala na ang samba-yanan na seryoso sila sa kanilang trabaho.
Abangan!