SA isang nakaraang labas ng aking kolum ay tinalakay ko ang hinaing ng mga kababayang nasa Kuwait hinggil sa umano’y kakulangan ng serbisyo at ginagawang panggigipit sa kanila ng ilang opisyal at kawani ng Philippine Embassy roon.
Ngayon naman ay ilalahad ko ang isa pang isyu sa embahada na napagkuwentuhan namin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Base sa impormasyon, kamakailan ay nagsumite ng affidavit ang janitor ng embahada kay Charge d’Affairs, Vice Consul Sheila Monedero kaugnay ng sexual harassment case na isinampa laban kay Ambassador Shulan Primavera ng mismong dating kasambahay ng embahador.
Sinabi ng janitor sa affidavit na nagsasagawa umano ng “demolition job†laban kay Ambassador Primavera ang reporter ng ABS-CBN Middle East Bureau na si Ms. Maxxy Santiago kasama ang Filipino Community leader na si Dr. Celendrino “Chie†Umandap at isa pang Pinoy.
Ninotaryuhan ni VC Monedero ang affidavit ng janitor bilang bahagi umano ng kanyang tungkulin dahil siya ay “specially tasked by the Investigating Team on the case of Ambassador Shulan Primavera to take the depositions of the witnesses…â€
Dahil pinagbintangan sila, at bilang tulong na rin nila sa ginagawang pangangalap ng Department of Foreign Affairs ng mga impormasyon hinggil sa kaso, ay nagsumite ng sariling affidavit sina Dr. Umandap at Ms. Santiago. Pero tumanggi si VC Monedero na notaryuhan ang kanilang affidavit dahil daw sa conflict of interest at dahil sa mga kuwestiyon nito sa affidavit ng dalawa.
Nagtaka ang mga Pinoy sa Kuwait sa ginawang ito ni VC Menedero dahil lumalabas umano na mayroon itong pinapanigan o pinoprotektahan. Kumalat ang naturang usapin sa mga balita at sa internet, at dumami ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa ginawa ni VC Monedero, kasabay ng kanilang paÂnawagang agad aksyunan ng DFA ang nasabing isyu.