Crime rate, bumaba PNP, nagpapatawa

HALOS mautot sa katatawa ang mga nakarinig ng ‘praise release’ ng Philippine National Police tungkol sa pagbaba ng krimen ngayon Enero compare last year.

Naku ha !

Hindi naman bopol ang madlang people kaya hindi dapat silang bolahin tungkol sa pagbaba ng crime rate ngayon Enero at hindi na rin dapat pang ikumpara ng PNP ang nangyaring krimen noon isang taon at ngayon 2013.

Mas maganda pang ginawa ng pamunuan ng kapulisan na sabihin na lamang pinaiigting nila ngayon ang kanilang trabaho kahit marami ang nangyayari krimen sa Philippines my Philippines dahil alam naman ng madlang people na malaki ang kakulangan ng pulisya up to now.

Kaya huwag na tayong mambola pa !

Tuloy pumalag ang grupo ng Violence Against Crime and Corruption sa ibinida ng pamunuan ng PNP na mas mababa ang krimen ngayon kumpara noon isang taon.

Kaya hayun halos sumakit ang tiyan nila sa katatawa at pagtuligsa sa PNP.

‘ano ang mabuting gawin para hindi kayo mautot sa katatawa ?’ tanong ng kuwagong clown.

‘huwag ng magsinungaling kasi hindi naman bopol ang madlang people na nakikinig sa kanila kaya tuloy tinutuligsa ang pamunuan ng kapulisan.’ sagot ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi naman kenkoy ang kapulisan para magpatawa.

Abangan.

Alyas Bruce Lee, ang Korean Mafia

GUMAGALA at malayang nakakagalaw si alyas Bruce Lee, ang Korean Mafia sa mga casino sa Philippines my Philippines at hindi lang basta porma ang pinaggagawa ng kamoteng Koreano kundi sangdamakmak na lespu ang umaalalay dito kapag walking. Take note, CPNP Alan Purisima, Sir !

Naku ha !

Ano ba ito ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal ng naglaho sa Philippines my Philippines si Byeong Koo Lee, a.k.a Bruce Lee kaya naman nagtataka sila bakit lumutang ito ulit porke sangkaterba daw ang kaso nito sa NBI.

Naku ha!

Totoo kaya ito ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakita nila si Bruce Lee sa Sofitel na pakuyakoyakoy.

Ganito rin ang nangyari noon kay Kim Tae Dong, ang Korean fugitive na nakatakas sa mga kamay ng immigration habang nagpapagamot daw ito sa St. Lukes Global City noon.

Kaya naman up to now ay hindi na mahagilap si Kim Tae Dong.

Dito nasabon si BI Commissioner Ben David este mali Ric David pala ni P. Noy ng mismong araw ng anibersaryo ng Bureau of Immigration.

Sabi nga, nawalan ng gana si P. Noy kay David.

Ang siste malakas ang padrino ni David kaya kahit palpak ito sa bureau ay nakaupo pa rin.

Abangan.

Show comments