NAGING paksa sa unang bahagi ng kolum na ito ang pagiging aktibo ng BITAG sa pagsasagawa ng case study sa aming programa sa loob ng halos apat na taon.
Dahil sa kakapusan sa pinansiyal na aspeto at desperasyon upang hindi na umabot sa puntong maputulan kaya sumusubok ang mga diyabetikong pasyente na makahanap ng lunas.
Boluntaryong lumapit sa aming tanggapan ang bawat pasyente upang subukan ang bisa ng herbal supplement na mula sa kompanyang “King’s Herbalâ€.
Sa unang araw pa lamang, itinatala na ang kalagayan ng sugat ng pasyente bago niya simulan ang pag-inom ng herbal supplement.
Sa ika-30, ika-60 at ika- 90 araw, muling bumabalik ang mga pasyente upang maidokumento ang mga pagbabago sa kalagayan ng maysakit.
Walumpu’t limang porsiyento sa kanila, tuluyang nang gumaling ang mga sugat at hindi na natuloy na ma-“amputate†habang ang 15 porsiyento naman ay mga pasyenteng nadiskwalipika o napagdesisyunang huwag nang ituloy ang pag-inom ng herbal supplement.
Prayoridad ng pag-aaral na ito ang mga pasyenteng nagdurusa sa sakit na diabetes na nanganganib nang maputulan ng bahagi ng paa o kamay o amputation, sa payo na rin ng kani-kanilang mga doktor dahil sa lumaÂlalang kalagayan dulot ng impeksiyon o kapabayaan.
Hindi binabayaran ng BITAG ang lahat ng pas-yenteng sumasali sa aming case study.
Hindi tulad sa ibang mga higanteng pharmaceutical companies na kumukuha pa ng endorser upang mahimok ang publiko, lahat ng mga pasyenteng sumasailalim sa aming case study ay kusang loob na nagpresinta upang maging subject ng aming dokumentasyon.
Ang bawat kaso na idino-dokumento sa case study ay aktuwal at base sa totoong kalagayan ng mga pasyenteng may sakit na diabetes.
Mapapanood ang segment na ito ngayong Pebrero tuwing Biyernes sa Aksiyon TV na nagsi-simulcast din sa Radyo 5. Abangan!