PATI pala staff officers ni dating Calabarzon police director Chief Supt. James Melad ay nagutom sa “no take policy†niya sa pasugalan. Karamihan pa naman sa staff officers ni Melad ay mga “mistah†niya sa PMA Class ’82 na naghangad na mamantikaan ang nguso nila sa Calabarzon, na isa sa juicy positions sa PNP. Siyempre, nagtitiis din ang mga mistah niya dahil may tsansa nga na maging Chief PNP si Melad kung natuloy si Sen. Ping Lacson sa DILG. Dahil ang kababayan kong si Mar Roxas ang napunta sa DILG, nalusaw ang pangarap ni Melad na maging PNP chief. Subalit pinangatawanan na ni Melad ang no take policy niya at ang halos kalahating milyon na allowance ng staff niya ay nabura sa listahan. Kasama na riyan ang P153,000 na para sa “friends†ng Calabarzon police. Pakulo lahat ‘yan ng bagman ni Melad na si Sr. Supt. Rene Pamuspusan (PMA Class ’88) na kasama sa ngayon ni Melad sa kangkungan dahil sa Atimonan shootout kuno.
Hindi lang naman staff officers ng Calabarzon ang nagutom kundi maging ang kay CIDG chief Dir. Sammy Pagdilao Jr. Idinahilan din kasi ng bagman ni Pagdilao na si Sr. Supt. Rhodel Sermonia ang no take policy ni Melad para makamenos siya. Dahil wala raw makuha sa mga pasugalan sa Calabarzon, nai-stop din ni Sermonia ang mga allowance ng staff ni Pagdilao. Kung si Pamuspusan ay hindi sikat sa ngayon sa mga naiwan na opisyales ni Melad, ay ganun na rin si Sermonia sa CIDG. Ayon sa mga suki ko sa CIDG, isinusuka ng senior officers niya sa CIDG si Sermonia, na hindi na pumapasok sa ngayon dahil malapit nang magretiro ang amo niya. Kahit sino man ang papalit kay Pagdilao sa Pebrero 8, mukhang wala sa plano nila na kunin ang serbisyo ni Sermonia.
Sa ngayon kasi, sina Director Gil Meneses, Chief Supt. Nap Estilles at Ed Ladao ang natitirang kandidato sa puwesto ni Pagdilao. Pero mukhang nakaungos na si Meneses, ayon sa mga suki ko sa CIDG. Kung si MeneÂses ang uupo sa CIDG, tiyak sa kangkungan din dadamputin si Sermonia, tulad ng idol niya na si Pamuspusan.
Kung sabagay, alam na ni Sermonia na mainit ang mga senior officers niya sa kanya. Halimbawa lang ay nang mag-apply siya bilang provincial director ng Laguna kung saan ni isang boto wala siyang nakuha sa Senior Officer’s Placement and Promotion Board (SOPPB). Nakakahiya.
Kung sabagay, hindi na kailangan ni Sermonia na kumayod dahil limpak-limpak na ang naipon niya. Hindi lang allowance ng staff officers ni Pagdilao kundi maging ang para sa “friends†din ng amo niya. Abangan!