^

PSN Opinyon

Wala pa ring nagagawa sa USS Guardian!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa rin masisimulan ang pagtanggal ng USS   Guardian sa Tubbataha Reef, dahil naantala ang pagda-ting ng barko na may crane. Sama ng panahon ang bini-bintang para sa antala. Hindi na naman daw gumagalaw ang barko, kaya hindi naman daw nadadagdagan ang danyos sa bahura. Ganun pa man, isang sakit ng ulo ng lahat ang barkong ito!

Hindi rin nakatulong ang mga komentaryo ni Donald Trump Jr. sa isang social networking site. Anya, mas mahalaga raw ang barko kaysa sa bahura, kung halaga ang titingnan! Bakit hindi na lang daw hilahin ang barko kaysa kalasin, na sa tingin niya ay lalong magdadagdag ng danyos sa bahura dahil mas dadagdagan mo ang mga barko sa paligid ng Guardian. Kung hilahin na lang daw, baka mas konti ang masisira sa bahura na tiyak hindi aabot sa halaga ng barko. Nasa gilid na naman ng bahura ang barko kaya matatanggal kaagad. Agad naman binatikos ang kanyang mga pahayag, dahil sa kanyang pagbigay ng halaga sa barko kaysa sa bahura!

Siguro kung talagang puwedeng gawin iyon ay ginawa na ng US Navy, para matanggal kaagad. Pero dahil sa napahiya na sila sa pagbalaho ng Guardian, ayaw na nilang dagdagan ang sira sa Tubbataha. Ayon din sa US Navy, may butas na raw ang barko, kaya tila wala na ring magagawa kundi kalasin na lang. Talagang napakalaking sakit ng ulo, dahil sa pagkakamali ng kapitan ng Guardian. Ano kaya ang ginawa sa kanya? Pinarusahan ba? Kinulong ba? Sinibak ba? Pero may katotohanan din kaya na sadyang patungo ang Guardian sa bahura, dahil gustong sumisid ang ilan sa mga tauhan ng barko, pero nagkamali nga at masayadong napalapit sa bahura? Hindi na natin malalaman ang totoong dahilan ng pagbalaho ng Guardian at tanging ang US Navy na lang ang makakaalam nito. Ang ganyang bagay ay tiyak na hindi nila aaminin.

Pero sang-ayon ako na kailangang multahan, at multahan ng mabigat ang US Navy para sa pagkakamaling ito. Napahiya na sila, pero kailangan magbayad pa rin sila. Kailangan malaman nang husto ang laki ng danyos, hindi lang ayon sa sukat ng lugar na kinayod ng barko, kundi pati na ang hirap para buhayin muli ang bahura.

 

ANO

ANYA

AYON

BAHURA

BAKIT

BARKO

DONALD TRUMP JR.

PERO

TUBBATAHA REEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with