^

PSN Opinyon

Panukalang Philippine Ear, Nose and Throat Center

DOKTORA NG MASA - Sen Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

LAGANAP ang insidente ng ear, nose, throat, head and neck (ENTHN) disorders sa ating bansa. Mahigit isang milyong Pilipino ang may problema sa pandinig. Isa sa bawat 1,000 ipinanganganak na sanggol ay may cleft lip o cleft pallet. Marami rin ang may sinusitis, nasopharyngitis, laryngitis.

Ang ganitong mga disorder ay direktang nakaugnay sa tainga, ilong at lalamunan na pawang maseselan at importanteng bahagi ng ating katawan. Kapag hindi naagapan ay maaari itong magdulot ng iba’t iba pang komplikasyon at problema, magresulta ng permanenteng disability and deformity at lubhang makaaapekto sa produktibidad at pangkabuuang pamumuhay ng indibidwal.

Marami umano sa mga may ganitong kondisyon ang napababayaan na lang dahil hindi kaya ang gastusin sa pagpapagamot laluna’t nangangailangan ito ng specialized medical procedure.

Kaugnay nito, isinusulong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtatatag ng Philippine Ear, Nose and Throat Center (Senate Bill 3390). “It is a policy of the State to protect and promote the right to health of the people and instill health consciousness among them. The Constitution provides that the State shall adopt an integrated and comprehensive approach to health development which shall endeavor to make essential goods, health and other social services available to all the people at affordable cost,” ayon kay Jinggoy.

Ang itatayong Philippine ENT Center ay magtitiyak ng comprehensive, high quality, affordable and specialized medical services for the prevention, control and treatment of ear, nose, throat, head and neck disorders. Maglalaan ang Center ng prayoridad na serbisyo sa  mga maralita.

Kabilang din sa mga pro­ grama ng Center ang pagsasaliksik tungkol sa ENTHN at pagsasagawa ng malawakang information dissemination and public awareness campaigns sa naturang mga disorder at kung paano ito maiiwasan at malulunasan.

 

vuukle comment

ISA

JINGGOY

KABILANG

KAPAG

MARAMI

NOSE AND THROAT CENTER

PHILIPPINE EAR

SENATE BILL

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with