^

PSN Opinyon

Bawal pintasan ang Simbahang Katolika!

KA KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

USAP-USAPAN ngayon ang paghatol kay Carlos Celdran, ang nagbihis Jose Rizal at binatikos ang Simbahang Katolika hinggil sa RH Bill noong hindi pa ito batas. Kung hindi ako nagkakamali, noong taong 2010 naganap ang “protesta” ni Celdran. Habang may hawak na karatula kung saan nakasulat ang pangalang “Damaso”, nagpahayag sa mga pari na huwag nang makialam sa gobyerno hinggil sa RH Bill. Ngayon, higit dalawang taon matapos ang kanyang “protesta”, hinatulan siyang may sala sa krimen na pananakit sa relihiyosong damdamin ng simbahan. Sa madaling salita, sinaktan niya ang loob ng mga pari. Hindi ko alam na may ganyang batas pala!

Akala ko sa mga bansang Muslim lang mahigpit ang pananalita laban sa relihiyon ng Islam. Para sa kanila, isang krimen ang magsalita ng masama laban sa Islam, at mabibigat ang parusa! Baka buhay pa ang kabayaran! Hindi ko alam na puwede ka pala makulong kung sinaktan mo ang loob ng simbahan! Kaya naman may mga nagsasabing taliwas ito sa demokrasya kung saan lahat ay may karapatang magsalita at magbigay ng kanilang opinyon.

Sa isang panig naman, hindi raw dapat sa loob ng simbahan ginawa ni Celdran ang pagbatikos. Dapat ay sa labas na lang daw nagsisisigaw ng kanyang damdamin ukol sa RH Bill. Lumalabas na siya ay bastos, arogante at walang respeto sa simbahan. Kaya ba nagsampa ng reklamo ang simbahan sa piskal? Ito ang hindi ko alam, sa totoo lang. Palagi nating sinasabi na hiwalay dapat ang simbahan sa estado, pero sa totoo lang, hindi nangyayari ito sa Pilipinas.

Kaya kulong ang aabutin ni Celdran. Ayon sa kanya, aapelahin ang desisyon sa Korte Suprema. Makabuluhan ang kasong ito, dahil ito ang magtatakda ng alinsunuran na maaaring balikan ng korte kapag may kaparehong sitwasyon o kaso. At ano ang mensahe niyan para sa ating lahat? Na hindi puwedeng saktan ang damdamin ng simbahan, lalo na sa tahanan nito. Ang implikasyon ay malawak. Maaaring hindi naman banta sa kalayaan ng pananalita, pero babala sa lahat na hindi puwedeng basta-basta pintasan, o magbatikos ng simbahang Katolika.

 

vuukle comment

AYON

CARLOS CELDRAN

CELDRAN

JOSE RIZAL

KAYA

KORTE SUPREMA

SIMBAHAN

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with