SANA naman ay maihabol at maipasa ng Mababang Kapulungan ang Freedom of Information (FOI) bill.
Tiniyak ni House Speaker Sonny Belmonte na sasa-ilalim na ito sa plenary debates at inaasahang maipapasa bago ang break ng Kamara sa Pebrero 12.
Pati ang Philippine Press Institute (PPI) ay nawawalan na ng pag-asa na ito’y mapagtitibay pa ng kasalukuyang Kongreso na nalalapit na ang pagtatapos ng sesyon. Tapos magiging abala na ang lahat ng mambabatas sa pangangampanya para sa darating na halalan sa Mayo.
Alam na ng lahat ang halaga ng panukalang batas na ito na magbibigay ng transparency upang mabatid ng madla kung paano magtrabaho ang mga opisyal ng pamahalaan pati na ang paggastos nila sa pondo ng bayan.
Campaign promise ni Presidente Noynoy noon na gagawin niyang prioridad ang pagsasabatas ng bill dahil ito’y susi sa ikatatagumpay ng kanyang layuning magkaroon ng “daang matuwid†at masugpo ang korapsyon sa gobyerno.
Umaasa ang lahat na paninindigan ni Speaker Belmonte ang pangakong gagawing prioridad ng Kamara sa nalalabing mga araw nito ang FOI bill hanggang sa maipasa.
“It’s our responsibility..it will be pushed on the agenda. It’s also a priority†ani Belmonte.
Wala kasi tayong makitang dahilan kung bakit pababayaang nakatiwangwang ang bill na ito maliban na lang kung may mga mambabatas na natatakot sa transparency dahil mabubuking ang kanilang dirty schemes.
Kamakalawa, nag-walkout ang isang coalition na nagtutulak sa FOI bill nang mabatid na hindi tatalakayin sa sesyon ang panukalang batas. Masama ang loob nila siyempre.
Aprobado na ng House committee on public information sa pangunguna ni Samar Rep. Ben Evardone ang FOI bill pero daraan pa sa proseso ng debate at deliberasyon. Sana ay maihabol ito para sa kapa-kanan ng mamamayan at sa adhikaing “daang matuwid†ng ating Presidente.