^

PSN Opinyon

Commissioner Biazon, read this

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Isang kurakot na sinasabing batang sarado ng isang mataas na opisyal dyan sa Burea of Customs cetral office ang iniiyakan ng mga negosianteng may transaksyon sa bureau dahil grabeng mangikil. Take note, BOC Customs Commissioner Ruffy Biazon, Your Honor!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, P5,000 ang kinikikil ng gago sa mga player kada isang lata (container van) at P10,000 naman kapag ‘special’ o may kaunting paningit. Ruffy, ano ba Ito? Iyan ba ang sinasabing ‘tuwid na daan’ ni P. Noy ang mangikil sa mga negosiante sa BOC.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas ‘pandoy unggoy’ ang culprit na mangingikil.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sobra ang lakas ng loob at kapal ng mukha nitong mambakal sa bureau dahil sinasalag ang kamote ng kanyang amo at padrino na isang mataas na opisyal sa aduana.

Ang akala ng mga gago ay hindi uusok ang kanilang istilo sa aduana. Sa dami ng mga kinikilan ni alyas ‘pandoy unggoy’ ay sumingaw ang baho nito at unti-unti na siyang babalatan ng kanyang mga inabuso.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malakas manakot si alyas ‘pandoy unggoy’ sa mga negosiante sa bureau.  Kung talagang may problema ang mga shipment ng mga borker/importer dapat hulihin ito at hindi iyong kinikikilan paano titino ang mga kamote dyan kahit na anong pagbabago ang gawin ni Ruffy basta ganito ang mga tirador ay lalong lalala sa aduana.

Naku ha!

Grabe pala ito Ruffy,

Ang pinakamasama pa ay pati pangalan mo Ruffy ay kasama na ipinangingikil nito dahil kapag hindi sila umaayon o nagbigay pinahihirapan ang mga negosiante sa bureau dahil iniipit ang kanilang mga kargamento.

Naku ha!

Name dropper pa ang gago.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kawawa ang mga negosiante na hindi nagbibigay o bumibigay sa gusto ng kamote dahil pina-aalerto nito ang mga shipment ng mga pobreng alindahaw na ayaw sumunod sa kanyang kagustuhan.

‘Ano kaya ang masasabi dito ni deputy Commissioner Manzano na may hawak ng RATS? Kailangan pa bang magtagal ang gagong ito sa aduana?’ Tanong ng kuwagong inapi.

‘Dapat ipa-lifestyle check mo ito Ruffy para malaman mo ang katotohanan.’

‘Si alyas pandoy unggoy ay dating patanga-tanga lamang sa NAIA pero yumaman na ang kamote mula ng mabigyan ng magandang puesto dyan sa pier.’

Abangan.

*****

Ipa-audit ang Puregold

GUSTO ni House Minority Floor Leader, Quezon Rep. Danilo Suarez na muling buksan at imbestigahan sa  Kongreso ang missing­  2,000 container vans habang patungo sa Port of Batangas mula Maynila noong 2011.

Sabi ni Rep. Suarez, kahit tukoy ng mga kongresista ang forwarders, trucking services at kanilang mga driver gayundin ang warehouse kung saan idineliver ang mga kargamento, itinigil naman ng House Committee on Ways and Means at Committee on Good Government ang imbestigasyon matapos umupo sa Bureau of Customs si dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon matapos alisin ni P. Noy si dating BOP Commissioner Lito Alvarez.

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, mula noon ay natigil na ang pagdinig at wala na ring naitakdang hearing pa ang mga komite sa isyu pinag-uuspan natin.

Sabi nga, nasaan ang mga laman ng container vans?

Naghain ng resolusyon si Suarez na nag-aatas sa BIR at BoC na magsagawa ng imbentaryo sa Puregold na una nang isinalang sa pagtatanong kaugnay sa missing container vans.

Ang Puregold ay pag-aari ng negosyanteng si Lucio Co.

Sabi ni Suarez, sa isasagawang audit sa Puregold ay malalaman kung saan kinukuha ng nasabing supermarket ang mga paninda nito na ibinebenta sa madlang buyer.

Noong hindi pa sinisibak ni P. Noy si Alvarez ay gumawa ito ng raiding team para matukoy ang kinaroroonan ng ilang shipment na nawawala at naging positibo naman ang lakad nila dahil sa isang warehouse sa C-3 Road sa Dagat-Dagatan, Caloocan City  at dito ay nabawi ang 50 container vans na bahagi daw ng nawawalang kargamento na naglalaman ng may P50 million worth ng   smuggled rice at refined sugar.

Ang raid sa Uni-Nexus Trading ay pag-aari ng isang  Sunny Angeles. Sabi pa ni Suarez, ang kanyang resolution na i-audit ang Puregold ang pormal na tatapos sa isyu ng missing container vans.

ANG PUREGOLD

AYON

BUREA OF CUSTOMS

BUREAU OF CUSTOMS

PUREGOLD

RUFFY

SABI

SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with