NAKALULUNGKOT na dahil sa direktang pagkakasangkot ng ilang tagapagpatupad ng batas sa mga karumaldumal na krimen sila mismo ay kinatatakutan na ng taumbayan imbes na sandalan sa panahon ng panganib..
Bago pa ang enkuwentro sa Atimonan, Quezon, lantad na sa taumbayan ang pagkakadawit ng ilang bugok na pulis sa sari-saring krimen tulad ng droga pati na ang kidnap-for-ransom.
Ngayon naman, pulis kontra pulis!
Tila ang dahilan nito ay agawan sa teritoryo ng mga taong sangkot sa illegal na sugal gaya ng huweteng.
Marami nang sinibak na tauhan ng pulisya na ang iba’y matataas ang tungkulin. Ayos sana iyan pero paano naman yung mga maliliit na tauhan lamang na sumusunod lang sa utos na damay sa mga sinibak?
Pero siyempre mandatory iyan. Habang isinasalang sa imbestigasyon ang mga kinauukulan kailangan muna silang suspendihin hanggang matukoy ang mga taong dapat talagang parusahan.
Tanong ng isa kong kaibigan: “Kung ang mga pulis ay sangkot sa mga kriminalidad, sino pa ang dapat pagkatiwalaan?†In fairness naman hindi lahat ng pulis ay kriminal at mamamatay. Kaso nga lang, paano mo matutukoy ang mga matutuwid?
Okay sana ang mga checkpoints para masupil ang mga nangyayarihang krimen lalu na ngayong panahon ng elekÂsyon. Dapat sana’y kampante ang mamamayan dahil may mga nagtatanod sa pali-paligid.
Subalit sa halip na makampante, lalung nanghihilakbot ang mga mamamayan kapag nakakita ng checkpoints. Naaalala palibhasa ang madugong enkuwentro sa Atimonan na batay sa resulta ng imbestigasyon ay mukhang ambush at hindi shootout.
At kung iisiping may mga matataas na opisyal pa na kasamang niratrat at pinaratangang “gun-for-hire†sino pa kaya tayong ordinaryong mamamayan ang di dumanas ng ganyang malagim na insidente?
Ah, kay Lord na lang tayo magtiwala at dumalanging lagi tayong patnubayan at iiwas sa ganyang pangyayari.