SINABI mo! Iyan ang sagot ko sa hamon ng EcoWaste Coalition na idagdag ang G for Garbage sa iniiwasang tatlong “G†ng eleksyon – GUNS, GOONS at GOLD.
Tuwing eleksiyon ay useless ang Comelec laban sa garapal at laganap na pagpapaskil ng campaign posters, streamers at stickers sa buong kapulungan.
Hindi mabilang ang dami ng illegal campaign materials na pumapambalot sa lipunan na, kapag nadadagdagan pa ng hindi mabilang na sample ballots, ay nag-iiwan ng gabundok na basurang nagpaparuming lalo sa ating kapaligiran.
Pinangako ng mga environmental groups na tatayo silang watchdog sa mga sutil at suwail na hindi susunod sa mga reglamento. Panahon nang gampanan ng Comelec ang mando nitong linisin hindi lamang ang dumi ng kurapsyon sa kampanya kung hindi ang mismong dumi at kalat ng mga campaign materials.
Tayo ring mga botante, kung gusto nating makatulong at dumamay sa malinis na kampanya, ay dapat humiling sa ating mga sinusuportahan na magpanukala sa kanilang plataporma ng mga solusyon sa basura. Ang hindi magkampanya ng “malinis†ay hindi makakaasa ng suporta sa mamamayang naghahanap ng malinis.
Bawat kandidato, maging nasyonal o lokal, ay dapat ipanata na: Tatanggalin o ibababa ang kanilang mga propaganda sa mga araw matapos ang halalan.
Para ipatupad ito’y magsumite ng pangalan ng responsableng opisyal ng kanilang campaign team na tatayong lead person sa lahat ng isyu kaugnay ng pagsunod sa mga alituntunin ng clean campaigning. Sa ganitong paraan ay matutukoy ng mabuti kung sino ang may pananagutan.
Ang mababang tingin ng lipunan sa proseso ng halalan ay medyo naiangat ng matagumpay nating karanasan sa paggamit ng PCOS noong 2010. Hindi pa rin tayo mapaÂnatag ng buo dahil marami sa mga nakasanayang kaugalian ang hindi pa rin natin matanggal tanggal – ang guns, goons at gold.
Subalit unti-unti na tayong nakakaalpas. MaÂbawasan lang natin ang garbage ay malaki na ang magagawa tungo sa minimithing malinis na eleksyon.